Barbie Forteza joins TikTok, prepares for serye’s comeback

Mukhang unti-unti na ring nahu-hook ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza sa TikTok! Parami nang parami na rin ang regular na nag-aabang sa bawat video niya rito.

Kamakailan nga ay napa-wow ang online viewers sa kaniyang videos tampok ang mga sikat na dance craze na “Ice Cream” ng BLACKPINK at ni Selena Gomez pati ang single nina YG, 2 Chainz, Big Sean, at Nicki Minaj na “Big Bank.”

Amazed hindi lang ang kaniyang fans kundi pati ang kapwa Kapuso artists na sina Aiai Delas Alas, Gladys Guevarra, Shaira Diaz, at Ashley Rivera sa pag-giling ni Barbie! Inuulan ng positive comments ang Instagram niya kada post ng aktres ng mga sayaw niya. 

Samantala, dapat ding abangan ng fans ang pagbabalik-taping ng pinagbibidahan niyang primetime series na ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’ sa GMA Telebabad.

Leave a comment