Ayoko ng bata—Sunshine Dizon

Sa pelikula, first time na gaganap ni Sunshine Dizon sa role ng isang cougar o isang babaeng na-in love sa lalakeng mas bata sa kanya na ginagampanan ni Albie Casino.

Ito ay sa pelikulang “Rainbow’s Sunset” na idinirehe ni Joel Lamangan mula sa iskrip ni Eric Ramos para sa Heaven’s Best Entertainment.

Gayunpaman, never daw niyang bet na maging cougar. Kung sakali raw na darating ang panahon na iibig siyang muli at magkakaroon ng relasyon sa isang lalake pagkatapos ng hiwalayan blues sa kanyang ex, gusto raw niya na ang susunod na boyfriend niya ay mas matanda kesa sa kanya.

“To be honest, ayoko ng bata. Gusto ko na someone who will take care of me. 

Gusto ko kumbaga, asawa akong muli, na ako naman iyong baby. Gusto kong ma-feel iyon. Ayoko na noong kaedad ko,” sey niya.

“I’m already 35. 40 or 45 , okey na sa akin. Gusto kong ako naman iyong reyna, ako naman ang prinsesa. He will take care of me . Iyon ang gusto ko. Ayoko iyong ako lang ang dedesisyon sa lahat,” dugtong niya.

Aminado rin siyang mas matanda siya sa kanyang ex kaya marhil hindi nag-work ang kanilang relationship.

“Mas gusto ng older para mas nai-stimulate naman ang brain cells ko . Ang hirap kasi, eh. Mas madaling mag-mature ang babae kesa sa lalake. Mas maganda iyong may edad nang konti,” hirit niya.

Sa ngayon, okey naman daw ang relasyon nila ng kanyang ex na husband na si Timothy Tan.

Kapag daw may mga okasyon na sangkot ang kanilang mga anak, hindi raw nawawala ito.

Katuwiran niya, ayaw niyang ipagkait ito sa kanilang mga anak dahil ito pa rin daw ang biological father nina Anton at Doreen.

Papel ng isa sa mga anak nina Eddie Garcia at Gloria Romero ang role ni Sunshine sa pelikulang “Rainbow’s Sunset” kung saan nakipagtagisan siya sa acting kina Tirso Cruz III at Aiko Melendez na gumaganap na mga kapatid niya.

Ang “Rainbow’s Sunset” ay isa sa mga pelikulang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Leave a comment