At least more people appreciate Julie Anne now

Napabilib ang netizens sa performances nina Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose, internationally-acclaimed singing sensation Aicelle Santos, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, at Asia’s Nightingale Lani Misalucha sa online fundraising concert series na “Bayanihan Musikahan” noong Biyernes, May 29. 

Samantala, nagwagi naman ng dalawang major awards si Julie sa MPS Online Awards 2020.

Nanalo ang Kapuso singer ng Favorite Mellow Song para sa kanyang single na “Regrets” matapos makakuha ng 57% ng mga boto.

Itinanghal din siyang Favorite Female OPM Artist matapos makuha ang 48% ng total votes.

Ang MPS Online Awards o MOA ay isang online awards ng music chart page na Most Played Songs upang bigyang parangal ang mga artistang namamayagpag sa OPM at sa international music scene. 

*****

Sa ‘Magkaagaw’ teaser na inilabas ng GMA Network, muling binalikan ng cast members ang huling eksenang napanood sa TV bago ito pansamantalang nagpahinga sa ere dahil sa enhanced community quarantine.

Sa video, naglaan ng boses ang apat na GMA stars para i-dub ang intense na eksena kung saan nabisto ni Clarisse (Klea Pineda) na ang kabit ng asawang si Jio (Jeric Gonzales) ay ang boss niyang si Veron (Sheryl Cruz).

Dumating din ang nanay niyang si Laura (Sunshine Dizon) na ipinagtanggol ang anak mula sa pagta-traydor nina Jio at Veron.

Sa comments section ay ipinahayag ng fans na natuwa sila sa maikling handog ng serye.

Miss na raw nilang mapanood ang ‘Magkaagaw’ at looking forward sila sa muling pagpapalabas nito sa GMA Afternoon Prime.

Napapanood ang video sa official YouTube channel ng GMA Network.

Leave a comment