Assunta admits pregnancy is “horrible”

Isang malaking milagro para kay Assunta de Rossi ang kanyang pagbubuntis dahil sa kanyang problema sa kanyang matris.

Dati na kasing na-diagnose na merong myoma at endometriosis ang aktres.

Katunayan, marami ang nagsasabi noong sa kundisyon niya, mahirap na silang makabuo ng kanyang mister na si dating Congressman Jules Ledesma.

Gayunpaman, naniniwala ang aktres sa himala at ang kanyang pagbubuntis ay kaloob ng Diyos.

Ngayon, damang-dama niya ang hirap ng pagbubuntis.

“Pregnancy is not at all glamorous, but it’s the most beautiful miracle.” “I’m stuck in bed all day, feeling horrible,” aniya.

Pagkukuwento pa niya, madalas din daw siyang magduduwal at makaramdam ng pagkahilo.

“I can’t even gain weight kasi hirap akong kumain. Pinipilit ko naman and I take vitamins. I do miss being active, but my body feels overworked. Right now, not that much since I feel tired all day. Minsan late na ako nakakaligo kasi tulog nga ako maghapon,” kuwento niya.

Ibinahagi rin niya ang mga hamong kinaharap ng kanyang pagbubuntis sa panahon ng quarantine.

“I could hear a soft heartbeat already. Grabe ang tuwa ko nun! Eh, wala. Na-lockdown, so until now wala pa akong bagong scan. Unfortunately, I didn’t have time for any preparation kasi biglaan,” ani Assunta.

Dahil nga lockdown, hindi regular na nakakapagpapa-check si Assunta o nadadalaw ang kanyang doktor, kaya naman sinamantala raw niya ang pagkakataon para makapagpahinga at hindi ma-stress.

“Wala din naman kasing magagawa, and also naglalabasan na symptoms ko kaya that was all I could do. Just eat and sleep. 

“I was worried because the last time I had a doctor’s appointment was two or three days before lockdown. I still am worried. But I try not to stress myself so much. 

“Thankfully, nothing weird is happening so that’s a relief,” pagtatapos niya.

Sa ngayon ay 16 weeks na ang kanyang ipinagbubuntis.

Kuwento pa niya, masayang-masaya raw ang kanyang mister dahil pagkatapos ng ilang attempt ay nakabuo rin sila.

Ipinagdarasal na lamang ng aktres na mairaos niya ang kanyang maselang pagbubuntis.

Si Assunta ay 18 taon nang kasal sa dating congressman na si Jules Ledesma.

Dalawang beses silang ikinasal:una noong 2002 sa isang civil ceremony sa Negros Occidental at pangalawa noong 2004 sa isang magarbong church wedding sa Forbes Park sa Makati.

Ang kanyang mister ay may dalawa nang anak mula sa unang asawa nito.

Leave a comment