Arron Villaflor, Iyah Mina more than friends?

Hindi sakit ng ulo at magaan na katrabaho ang sinabi ni Amanda Salas, ang PR and Marketing ng Prestige International, kay Arron Villaflor. Dahil dito pinapirma siyang muli bilang Brand Ambassador/endorser ng Prestige International, na pagmamay-ari ng mabait na negosyanteng si Mr. Mannix Carancho.

Sabi naman ni Arron ay sobrang thankful daw siya at masaya dahil naging parte uli siya ng nakikilalang beauty and cosmetic line. Nagpapasalamat siya sa pagtitiwalang ibinibigay sa kaniya ni Mr. Mannix. 

Kasama niyang pumirma kamakailan bilang endorser din ng Prestige sa opisina ng Cornerstone ang stand up comedian turned actress na si Iyah Mina. Nagkasama ang dalawa sa pelikulang Mamu and a Mother Too na pinag-usapan sa nakarang Cinema One Originals Film Festival. 

“Napansin kasi nila ‘yung trabaho namin sa Mamu and A Mother Too.  And I guess si Sir Mannix decided to put as together on one endorsement. So parang loveteam ulit kami rito sa Prestige.”

Parehong magaling sa larangan ng pag-arte sina Arron at Iyah kaya naman napapansin sila ng mga award giving body. Ang aktor ay ilang beses nang nanalo bilang Best Supporting Actor samantalang ang transgender na si Iyah ay nanalong Best Actress sa katatapos na film festival ng Cinema One. 

Sina Arron at Iyah ay naging magkaibigan mula nang ginawa nila ang pelikulang Mamu. Lalong lumalim ang kanilang samahan pagkatapos nilang gawin ang pelikula. Pero hanggang doon lang ang closeness nila at wala nang iba pang pupuntahan. Nakarating kasi sa amin na may nagpapasaya na sa buhay ni Iyah Mina.

Leave a comment