Arnee Hidalgo reinvents herself

mildred@bacud
by Mildred A. Bacud

Arnee-Hidalgo-2 Iba na nga ang nakapagtanim na ng pangalan at nagkaroon ng tatak sa larangan ng musika. Hindi man kasi naging grand winner ang singer na si Arnee Hidalgo sa ‘The Voice of the Philippines, Season 2,’ nagbukas naman ng maraming oportunidad para sa kanya. Una na rito ang pagkakakuha sa kanya as the endorser of BYS Cosmetics na nagkaroon ng bonggang launching kamakailan lang sa Resorts World. Binuo ito siyempre ng E-Talent Management na sina Annabelle Regalado, Jemuel Salterio Ryan Melad at Charlene Trinidad.

Ganun na lamang naman ang pasasalamat at kasiyahan ng Presidente at CEO ng BYS na si Mr. Toni Chua na nagpahayag kung bakit sa dami ng showbiz personalities ay Arnee ang napusuan nilang maging mukha ng nasabing make-up brand.

 “Inspite of all the success we’re having in the Philippines, we really want to have a single and through Jeffrey’s recommendation and having Arnee represented the song, the first time I heard her sing, I knew she’s the perfect fit. She has a great singing career, a devoted mother, she exudes and epitomizes what the brand is all about. We are more proud to have Arnee as our endorser.”

““It’s a pleasure and my first time to be a brand ambassadress of such a brand.  I just feel so blessed having this opportunity again to release a single, of course with the help of BYS Cosmetics. I’m just thankful that opportunities came right after the competition.”

Balitang magpo-pose na rin sa isang sexy magazine si Arnee, that will make her one of the hot mamas in showbusiness dahil kita naman kung gaano niya naalagaan ang sarili. Ano ang masasabi niya rito?

 “Well. I am claiming na rin yung tinawag nila sa aking sa ‘The Voice,’ na ‘sexy mama.’ Yes, I will have that pictorial for a magazine and I’m excited to see the final output. I’m challenging myself just like what I’ve done for ‘The Voice.’ I’m just stepping out of the box, going out of my comfort zone. Hindi pa naman ako over age, habang puwede pa. Lahat naman ng ginagawa ko are heading towards my goals.”

Leave a comment