Ara Mina admires Sarah G’s professionalism, kindness

Masaya ang award-winning actress na si Ara Mina na kasama siya sa pelikulang Unforgettable na iprinudyus ng Viva Films.

Ito rin ang unang pagkakataon na makatrabaho niya ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Ayaw naman niyang i-reveal kung ano ang role niya sa nasabing obra ni Jun Luna dahil ayaw niyang maging spoiler ito.

Sey pa niya, majority ng scenes niya ay kasama si Sarah.

Puring-puri rin niya ang singer-actress dahil sa kabaitan at kababaang-loob nito.

“Sobra siyang down-to-earth. Napakatahimik niya. Medyo ano nga, kampante na siya sa amin. Nakikipagkuwentuhan na rin,” aniya. 

“Noong first shooting days, siyempre, kapaan lang dahil sobrang tahimik nga niya,” dugtong niya.

 Hirit pa niya, bilib din daw siya sa professionalism ni  Sarah.

“Wala naman akong narinig na masama o attitude sa mga nakatrabaho niya. Actually, napakabait niya. Wala siyang diva factor kahit na sabihin pang isang Sarah Geronimo na siya. Wala siyang kaere-ere. Minsan nga, pagdating ko sa set, masu-surprise na lang ako na nandoon na siya. Nauuna pa siya  sa akin. Hindi siya iyong tipong magpapaantay o aantayin mo… at never mong naramdaman na nagpaka-superstar siya,” pagbabahagi niya.

Happy din daw siya dahil naging opportunity ang pakikipagtrabaho niya kay Sarah para mas makilala nito nang mabuti ang aktres.

“Nung nag-shoot kami sa Baguio medyo nakapag-bonding kami. Medyo nag-uusap-usap na rin. Nagkukuwento ako about mga past love life ko. Tapos sabi ko sa kanya nakakatuwa naman kayo, matagal na kayo ni Matteo (Guidicelli), sabi niya, ‘Oo nga po, Ate.’ Sabi ko rin, ‘Magkamukha na kayo at feeling ko kayo ang magkakatuluyan.’ Sagot niya, ‘Naku po, sana po Ate,’” ani Ara.

Sey pa ni Ara, kinikilig daw siya sa tambalang AshMatt.

“I think, isa sila sa pinaka-ideal na couple sa showbiz. Never mong nabalitaan na nagkaroon sila ng away or something. Siguro, it’s because ‘give and take’ ang kanilang relationship… at marahil talagang committed sila sa isa’t –isa,” pagwawakas niya.

Si Ara ay brand endorser ng Ara Colours ng Ever Bilena. 

Bukod sa bagong venture sa kanyang sariling make-up line, isa ring matagumpay na  baker at restaurateur si Ara na ang Hazelberry Café na may tatlo nang branches.

Leave a comment