Anton’s time to shine—Teri Onor

Si Teri Onor ang producer ng upcoming concert ni Anton Diva billed as Anton Diva XXII AD na gaganapin sa Cuneta Astrodome sa June 15.

Special guests ni Anton sa kanyang concert sina Vice Ganda, Michael Pangilinan, Raging Divas, Miss Q and A 2019 Mitch Montecarlo at Regine Velasquez.

Sa presscon ng nasabing concert, ikinuwento ni Teri kung paano nabuo ang Anton Diva XXII AD.

Sabi niya, “Last year pa inamin ito pinag-uusapan, na in-offer ko kay Anton na ipo-produce ko siya ng concert. June of last year ‘yun, eh, kasi birthday niya June 14.

“After few days ng birthday niya last year, nag-meeting kami. Sabi ko ipo-produce kita (ng concert).

“Naghanap kami ng date at venue. Wala kaming makuha pa. Until October last year, nag-announce si meme Vice ‘tsaka si ate Regine, na magkakaroon sila ng Valentine concert, February 13 hanggang February 16.

“Sabi ko, “Teka lang, huwag natin silang sabayan. And then lumipas ang ilang buwan, dumating ang concert nina meme Vice at ate Regine, nanood ako, ang ticket ko ay February 16.  

“Nu’ng February 14, nagti-trending sa social media ‘yung kumanta si Anton with Vice and ate Regine ng Shine. Kinuha kasi nina Vice at ate Regine si Anton from the audience.

“So nu’ng nag-trending ‘yun sa social media, binuhay ko ‘yung group chat namin para sa concert niya (Anton).

“Sabi ko, “Ituloy na natin ‘yung concert mo, ang title Shine XXII AD. ‘Yung XXII, ‘yung 22 years niya sa industry at ‘yung AD ay Anton Diva.”

Ano ang mai-expect ng audience sa concert ni Anton?

“Marami!” sagot ni Teri.

“Aside sa mga Regine songs, kumuha kami ng mga repertoire na Anton Diva. You will see the different side of Anton.”

Personal choice niya ba sina Vice at Regine para mag-guest sa concert ni Anton, o si Anton ang namili?

“Pareho kami na choice sila.

“Nu’ng binuo namin ‘yung concert, silang dalawa talaga ang nasa utak namin. Mabuti naman at pumayag sila.

“Sinama namin si Michael para may pampakilig sa mga kababaihan.”

Leave a comment