Anton Diva gears up for “shine” concert on June 15

It’s her time to shine!

Super excited at todo-todo ang ginagawang paghahanda ng impersonator na si Anton Diva para sa kanyang upcoming concert billed as Anton Diva XXII AD, June 15, Cuneta Astrodome.

Sa tagal na rin sa industry ni Anton, naisip ng producer ng concert na si Teri Onor na panahon na para magkaroon ng major concert showcasing Anton’s vocal prowess.

Si Anton ang una and legit na impersonator ng Asia’s Songbird. Kaya naman sobrang saya n’ya nang malaman na special guest n’ya sa concert si Regine Velasquez, kasama si Vice Ganda, na matalik n’yang kaibigan.

Walang talent fee sina Regine and Vice, kwento ng producer. Bilang suporta raw kay Anton ay agad-agad na nag YES ang dalawa para mag guest.

“Nu’ng binuo namin ‘yung concert, silang dalawa talaga ang nasa utak namin. Mabuti naman at pumayag sila,” bahagi ng producer.

Sa presscon ng nasabing concert, ikinuwento rin ni Teri kung paano nabuo ang concert

Sabi niya, “Last year pa inamin ito pinag-uusapan, na in-offer ko kay Anton na ipo-produce ko siya ng concert. June of last year ‘yun, eh, kasi birthday niya June 14.

“After few days ng birthday niya last year, nag-meeting kami. Sabi ko ipo-produce kita (ng concert).

“Naghanap kami ng date at venue. Wala kaming makuha pa. Until October last year, nag-announce si meme Vice ‘tsaka si ate Regine, na magkakaroon sila ng Valentine concert, February 13 hanggang February 16.

“Sabi ko, “Teka lang, huwag natin silang sabayan. And then lumipas ang ilang buwan, dumating ang concert nina meme Vice at ate Regine, nanood ako, ang ticket ko ay February 16.  

“Nu’ng February 14, nagti-trending sa social media ‘yung kumanta si Anton with Vice and ate Regine ng Shine. Kinuha kasi nina Vice at ate Regine si Anton from the audience.

“So nu’ng nag-trending ‘yun sa social media, binuhay ko ‘yung group chat namin para sa concert niya (Anton).

“Sabi ko, “Ituloy na natin ‘yung concert mo, ang title Shine XXII AD. ‘Yung XXII, ‘yung 22 years niya sa industry at ‘yung AD ay Anton Diva.”

Ano ang mai-expect ng audience sa concert ni Anton?

“Aside sa mga Regine songs, kumuha kami ng mga repertoire na Anton Diva. You will see the different side of Anton.”

Leave a comment