Anthony Taberna finds new home, grateful to ABS-CBN

Nagsimula na nga ang pilot episode nu’ng Sabado ng hapon ang pagbabalik telebisyon sa free-TV ni Anthony Taberna sa kanyang sariling public service show titled “Kuha All” sa AMBS 2 TV Network o AllTV na pagmamayari ni dating senador at second richest individual in the Philippines na si Manny Villar at ng kanyang pamilya.

Mapapanood ang “Kuha All” tuwing Sabado, from 5pm to 6pm, kung saan tumatayong line producer ang butihing asawa ni Ka Tunying na si Roselle na s’ya ring nagaayos ng kanyang busy schedule at manager na rin n’ya, I suppose.

Welcome ang mga tao o viewers na magpadala ng mga video o picture ng mga insidente o aksidente na maaari nilang ma-feature sa kanilang programa, ayon kay Tunying, lalo na kung good news daw ang istorya.

Maligaya raw si Anthony sa bago n’yang tahanan ngayon sa mundo ng telebisyon. Simula pa lang daw nang makipag-meeting s’ya sa mga bossing ng AllTV hanggang sa pumirma s’ya ng kontrata at nakasama n’ya ang kanyang production staff, at nagumpisa na silang magtrabaho. May mga galing daw sa iba’t ibang TV network ang staff nila, kaya talagang maganda raw ang kalalabasan ng show.

Inaabot daw ng three days ang taping ni Anthony, bagay na walang problema sa kanya, dahil ang ibig sabihin ay gano’n nila pinapaganda ang bawat episode ng “Kuha All.” Kunsabagay, tila hindi mabilang ni Tunying sa kanyang mga daliri kung ilang digits ang talent fee o halaga ng kontrata n’ya!

Pero kahit nasa ibang istasyon na si Anthony ngayon, nagpapasalamat at tumatanaw ito ng utang na loob sa ABS-CBN kung saan daw s’ya maraming natutunan. At bago naman s’ya makipag-meeting at pumirma ng kontrata sa AllTV, nag-offer din daw pala ng trabaho sa kanya noon ang TV5/Cignal TV.

Ngunit nang tanungin ko kung inalok din ba s’ya ng Net25 ng Eagle Broadcasting Company, ang TV station ng Iglesia ni Cristo na kinabibilangang relihiyon ni Anthony, ang deretsong sagot nito ay: “Hindi. Baka akala nila, hindi ko kailangan ng trabaho.”

Napapakinggan pa rin sa DZRH si Tunying kasama pa rin ang kanyang long-time tandem at kapwa radio broadcaster from DZMM na si Gerry Baja on weekday mornings at napapanood din sa kanyang YouTube channel, Lunes hanggang Biyernes, na Tune In Kay Tunying.

Leave a comment