Anne Curtis on having a baby: It will happen in God’s time

Kabilang ang PSR sa mga press people na naimbitahan sa 10th Anniversary ng It’s Showtime last September 30. Hindi naiwasang matanong si Anne Curtis ng press kung kailan nga ba sila magkakaanak ng asawang si Erwan Eusaff. 

“I think it will happen in God’s time, in God’s perfect time.”

Pero hindi na napigilan ng actress/host ang makiusap sa mga naroon ang iwasan ang pagtatanong tungkol sa usapin ng pregnancy and marriage.

“For me naman, it will happen in God’s time and I think at any time naman, I’m ready for it, di ba? But I have to say this. I’m speaking for every woman. You don’t know what they’re going through. I have a lot of friends who may be trying and medyo nakakasakit if people keep asking them when they’re going to have a baby.”

Kahit daw ang usapin kung kailan mag-aasawa ay hindi dapat tinatanong dahil hindi raw natin alam ang mga pinagdadanan ng bawat kababaihan.

“I hope you guys don’t take this the wrong way but, I think in respect to every woman, you should stop asking that: when are they gonna get married and why don’t they have a baby or whether they’re gonna have a baby.”

Dalawang taon na ang nakakaraan mula ng ikasal sina Anne at Erwan sa Queenstown, New Zealand. 

Samantala excited na si Anne sa segment na Magpasikat nila this year. Malaking challenge na naman dahil ang makakasama niya sa kanyang production number ay si Amy Perez na nagbirong ngayon pa lang ay may acid reflux na siya malamang daw sa kakaisip kung ano na naman ang pagagawa sa kanya ni Anne at ng production.

Leave a comment