Angry Lotlot reacts combatively to estranged mother-in-law’s advice to Janine

Nag-post sa kanyang Facebook account si Lotlot de Leon na patama sa isang tao.  

Hindi man niya binanggit ang name nito, obvious naman na ang dating biyenan na si Pilita Corrales ang pinatutungkulan niya.

Sa isang interview kasi sa beteranang singer, sinabi niya na pinagalitan niya ang apo na si Janine Guttierez after nitong mag-comment ng “Oh God!” sa Instagram account nito bilang reaksyon niya nang mabasa ang announcement ng GMA-7 na babalik na sa telebisyon si Sen Bong Revilla.

Na naging dahilan para nga pagalitan siya ng kanyang lola Pilita. Sinabihan siya nito na “You’re Wrong. Who do you think you are?” Na siguro, nu’ng nabasa ‘yun ni Lotlot ay nasaktan siya bilang isang ina.

Kaya naman to the rescue siya kay Janine. Agad nga siyang nagpatama kay Ms. Pilita. Sabi niya sa kanyang FB post, “Who do you think you are? Talaga? ‘Yan ang bitaw mo? Ako kaya ang magsabi who do I think you are? Mabuti  na lang marunong ako rumespeto sa matanda!!! Pero minsan lang talaga may mga matanda na hindi ka resperespeto at walang pinagkatandaan! Minsan din ang mga sinungaling kawawa kase sa sobra nilang gusto na sila ang pakinggan kung ano anong istorya ang sasabihin nila. I never said anything in the many years! This might be the first!!! Don’t push me!!! 🤬”

O di ba, nagalit si Balot sa dating biyenan? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Ms. Pilita once nakarating sa kanya ang post ng dating manugang?

***********

Sina Kelvin Miranda at Angel Guardian ang bibida bukas, Sabado, February 8, sa drama anthology ng GMA-7 na Maynila, 9:40am, na may pamagat na A Fake Love Story. 

Gumaganap dito si Kelvin bilang si Rambo at si Angel naman bilang si Cheche. Isa itong comedy love story.

Sa tanong kay Kelvin, kung paano niya ide-describe si Angel bilang katrabaho, ang sabi niya, “Okay naman si Angel, mag­kasundo kami kasi matagal na kaming mag­kakilala. Actually ako ‘yung reason kung bakit na kay Sir Tyronne (Escalante, manager nila) siya.  Kasi ako ‘yung nag-recommend sa kanya. Mag­ka­klase kami sa Star Magic, e.”

Nang si Angel naman ang tanungin kung ano ang masasabi niya kay Kelvin bilang katrabaho, ang sagot ng dalaga, “Sanay na po ako kay Kelvin, matagal ko na siyang kasama, nagsasawa na nga po ako e, hahahaha.”

Samantala, regular pa ring napapanood si Kelvin sa seryeng Madrasta.

Leave a comment