Angel Locsin won’t be doing ‘Darna’ project anymore

by PSR News Bureau

angel Kinumpirma ng pamunuan ng ABS-CBN na hindi na ang aktres na si Angel Locsin ang gaganap na ‘Darna’ sa susunod na ‘paglipad’ nito sa naturang network gaya ng orihinal na plano. Nakatakda sanang gawin ni Angel ang naturang proyekto. In fact, matagal na niyang pinaghahandaan ito. Malungkot na inamin ni Angel na kinailangan niyang bitawan ang nasabing project dahil sa health reasons. Hindi na kasi magagawa pa ni Angel ang project na ‘Darna’ dahil nagkaroon ito ng problema sa spine at makakasama sa kanya ang mga action at fight scenes na naka-harness.

Sa naging opisyal na statement ng ABS-CBN, sinabi nito na naiintindihan naman ng ABS-CBN ang pag-backout ni Angel sa proyekto. Nagpasalamat sila sa aktres sa matinding dedikasyon nito sa kanyang trabaho ngunit mas hangad nila ang mabuting kalusugan ng aktres. Ayon sa doktor ni Angel, maaari pa rin namang magtrabaho si Angel pero hindi na ito maari pang gumawa ng malulupit na action scenes gaya ng dati. Sa kasalukuyan, sumasailalim si Angel sa physical therapy upang matulungan ito sa problema niya sa kalusugan. Pero wala naman daw dapat ipagalala ang fans dahil maayos naman ang lagay ng aktres.

angel 3Ang tanong ngayon ay kung sino kaya ang napipisil ng Dos na gaganap sa papel na iniwanan ni Angel? Siguradong maraming artista ang naghahangad na ‘lumipad’ bilang bagong ‘Darna.’ Abangan na lang nating lahat ang susunod na mga magaganap sa muling pagbabalik ng obra ni Mars Ravelo.

Leave a comment