Ang istorya ng bawat Pilipino ay istorya ng tagumpay at pag-asa—VP Robredo

Para kay VP Leni Robredo, napakahalagang medium ng filmmaking para makapaghatid ng mga kuwento ng pag-asa at inspirasyon sa ating mga kababayan lalo na sa panahong nahaharap ang bansa sa iba’t ibang pagsubok ng buhay.

Ito ang dahilan kaya niya itinatag  ang Istorya ng Pag-asa Filmfest na nasa ikatlong taon na ngayon.

“Ang istorya ng bawat Pilipino ay istorya ng tagumpay at pag-asa. Sa ating pagtutulungan, kaya nating lagpasan ang anumang problema at gawing mas maginhawa ang buhay ng bawat isa. Kahit minsan, ang pakiramdam natin ay tila unti-unti nang nawawala ang liwanag ng pag-asang ating pinaka-iingatan, kumakapit tayo sa iisang paniniwala: na sa huli, ang mabuti ang siyang mananaig,” aniya.

Mula sa roving photo gallery ng kuwento ng pag-asa noong 2016, malayo na ang nilakbay nito.

“Sabi ko, why don’t we bring the program a step further, to do justice to the beautiful stories we were starting to unearth?,” ahayag niya.

“We wanted to elevate the art of storytelling to inspire more people and give them hope to rise above today’s extraordinary times because the miracles that we need to shape our future are best told through the screen. If we are to send our message to our people in the most powerful way, we must choose the medium that makes them cry poignantly, laugh wholeheartedly, or be moved to action by empathy. That medium is film,” dugtong niya.

Dagdag pa niya, naging malaking hamon din sa kanila ang pagpili ng mga kalahok ngayong taon na hindi lang sumasalamin sa katatagan kundi sa tunay na ispiritu ng Pinoy.

“But we do not just look for stories that recount personal hardships. Our criteria for choosing the best films involve how the theme is presented, the quality of production, the reach and impact of each film, and the overall experience. The INP Film Fest is not just about the most memorable stories of poverty and tragedy, but the long and often times arduous process behind its retelling, and the power of moving pictures.

“So, in November of 2017, we partnered with the Ayala Foundation and launched the Istorya ng Pag-asa Short Film Festival. We initially planned the film festival to be a one-time event to celebrate our one-year anniversary. But because of the wealth of stories submitted to the Office of the Vice President in 2018, we have decided to make the film festival an annual event,” ani VP Leni.

Mula sa 73 entries noong nakaraang taon, natutuwa rin siya sa pagdagsa ng mga kalahok ngayong taon na umabot na sa 98.

 Abot-abot din ang pasasalamat niya sa suportang ibinigay ng Ayala Foundation sa pamumuno ng pangulo nitong si Ruel Maranan sa kanyang adbokasya.

“Truly, we could not have asked for a better partner, because through the years, the foundation has been instrumental in bringing hope to our very poor communities,” lahad niya.

“Bilang dagdag na suporta sa ating film festival, pinaunlakan tayo ng Ayala Foundation sa ating hiling: na ang mananalong Top Three Films ay mapapanood sa mga Ayala Malls Theaters nationwide mula June hanggang October ngayong taon. Sa tulong rin ng Film Development Center of the Philippines, napabilis ang pag-apply natin ng ating mga permits na kailangan upang mas maayos at mas marami ang mararating ng ating mga istorya ng pag-asa.

“Now, when we speak of hope, we do not just wait for something to happen. We strive to be defiantly hopeful by springing to action, so that our dreams will become reality,” pahabol niya.

Hirit pa niya, ang Istorya ng Pag-asa ay hindi lang nagbabahagi ng mga kuwento ng inspirasyon dahil naging instrumento rin ito para matulungan at maiangat ang kalagayan ng mga bidang tampok dito.

Mula kay Marky Talibutab ng Climbing Puppeteer, Vejiel Velez ng

“Ang Gahum Sang Daku Nga Handum (The Power of Big Dreams),” John-John ng “Alkansiya,” Ernie ng “Gawilan,” Marlon Fuentes ng “Ang Biyahe ni Marlon,” Lola Lita Vinuya ng “Liham Pagmamahal Para sa Kasalukuyan,” Jhalanie Matuan ng “Dibuho,” Maricor Book at marami pang iba, sila ay ilan lamang sa nabiyayaan ng tulong ng adbokasya ng Istorya ng Pag-asa.

Ngayong taon, ang magkapatid na bulag na sina Rodrigo at Robinson na bida sa People’s Choice awardee na Yapak ni Romel Lozada, ang pulis na si SPO4 Bill Felisan ng Modern Day Hero ni Roy Robert Rusiana, (OVP Special Recognition Awardee), ang public school teacher na si Ryan Habitan ng Maestro ng Pag-asa ni Immaculate Estepa, ang veteran photographer na si Nanay Fely ng Litratista ni Allan Lazaro(2nd runner up,best director), ang Tausug rap artist na si Khalid Hamid ng Maglabay Ra In Sakit ni Mijan Jumalon(1st runner up,best editing), ang mangingisdang si Roberto Ballon,Jr. ng Ka Dodoy nina Meg Seranilla at Mark Aposaga (best film, Ayala Foundation Community Development Awardee, best cinematography) ang mapapalad na nabigyan ng pagkakataong maibahagi ang kanilang kakaibang Istorya ng Pag-asa at mabigyan  ng tulong ng nasabing film festival with a cause.

Leave a comment