Ang basis ng kasikatan ng artista is not only with one hit—Aiko Melendez reminds young stars

On point ang ibinahaging payo ng award-winning actress na si Aiko Melendez sa mga baguhang artista na uhaw sa limelight. 

Sabi ni Aiko, habang lumilipad ang karera ng isang artista, dapat daw ay mas nagiging humble, at mas nakalapat ang paa sa lupa.

Narito ang pahayag ng aktres sa kanyang facebook account.

“For the Newbies; 

“The more you go up, the more you should be humble. Always keep your feet on the ground. Never allow stardom to eat the best of you. Ang Observation ko kasi sa mga baguhan now kapag madami followers sa twitter or Instagram ibig sabihin made ka na. Nope po. Ang basis ng kasikatan ng artista is not only with one hit. Kaya nga me tinatawag na longevity, hanggang san tatagal ang kinang at galing mo? Ung iba kasi ginagamit dn ang pagiging Diva sa imaging, But for me mas gugustuhin ko madinig sa katrabaho ko na. Ay si Ms aiko ang gaan kasama sa work at magaling na artista. Kesa sa madinig na ang bigat nya kasama. Iam speaking based on the fact na 30 years na ako sa industry at modesty aside wala pa ako naringgan na nagreklamo sa akin. 

“Ayan tularan sana ng mga baguhan yan! 

Be Humble 🙏”

Sana naman sa post na ito ni Aiko ay maraming matutong baguhang artista. 

Leave a comment