Andrea Torres plays challenging role in ‘MPK’

Isang bagong episode ang handog ng “Magpakailanman” ngayong Sabado (November 28) na pagbibidahan nina Andrea Torres at Juancho Triviño. 

Ayon kay Andrea, naiiba ang role niya bilang si Arlene, “Isang kakaibang kuwento kung saan gagampanan ko ang role ng isang misis na nananakit ng kanyang mister. Abangan n’yo po ‘yan.”

Gaganap naman si Juancho bilang asawa ni Arlene na si Mark. Pagbabahagi nito, “Challenging for me dahil never akong naka-experience ng ganito. Noong inaaral namin ‘yung script at characters namin, awang awa kami kay Mark sa totoong buhay. I really felt for him.”

Kasama rin sa episode si Angela Alarcon na first time mapapanood sa #MPK, “I’m gonna portray Anna. Si Anna ‘yung first love ni Mark na kababata rin niya. Si Anna, handa siyang magsakripisyo para sa mga mahal niya sa buhay. Sobrang mahal nga niya si Mark at ‘yung pamilya niya.” 

Huwag palalampasin ang “Mister, Bugbog Kay Misis” ngayong Sabado ng gabi, November 28, 8:15 pm sa Magpakailanman (#MPK) sa GMA.

Leave a comment