Andrea Torres learns spanish from Argentine actor Marcelo Melingo

Nasa Maynila na si Andrea Torres, pati na ang cast at crew ng international movie niyang Pasional.

Natapos na kasi nila ang filming ng mga eksena ng pelikula sa Caramoan, Camarines Sur at Coron, Palawan.

Isang May-December love story ang kuwento ng Pasional kung saan gumaganap si Andrea bilang isang tango dancer.

Katambal niya rito ang beteranong aktor na si Marcelo Melingo na mula sa Argentina.

Masaya raw si Andrea na may instant connection sila ng co-actor.

“May connection kami agad-agad. Doon ako very grateful kasi at least hindi na kailangan trabahuhin masyado,” pahayag ni Andrea.

Marami rin daw siyang natutunan mula kay Marcelo.

“Tinuturan niya ko mag-Spanish. Very strict siya magturo. Kailangan talagang tama ‘yung pronunciation. Mayroon akong naalala na line. ‘Poquito pero entiendo bien.’ ‘Pag tinanong daw ako kung marunong ka bang mag-Spanish. ‘Konti lang pero nakakintindi ako,'” kuwento ng aktres.

Ang Pasional ay collaboration ng Malevo Films, GMA Network, Maxione Productions, Stagecraft International, at Signature Films.

Nakatakda itong ipalabas sa Pilipinas, Argentina at sa iba pang bansa.

Leave a comment