Andrea Brillantes, Khalil Ramos recall personal horrifying experience

Naniniwala sa multo sina Andrea Brillantes at Khalil Ramos na parehong bida sa pelikulag “The Ghosting” na palabas na simula ngayong araw sa mga sinehan nationwide. 

Sa kuwento ni Andrea, may mga naririnig daw siya lalo na nung bata siya na mga tawa kapag nagigising siya ng 4am sa bintana ng kuwarto nila. 

Si Khalil naman ay may mga nararamdaman din daw na kakaiba. Minsan daw ay bigla na lamang mamamatay ang electric fan samantalang mag-isa lang siya sa bahay. Inisip na lang niya na super natural lang daw iyun. 

First time magtambal sa pelikula sina Khalil at Andrea. Pareho ang sinasabi nila na naging maganda ang samahan lalo na ang working relationship nila habang ginagawa ang pelikulang “The Ghosting.” Of course, ibinahagi rin nila na natatakot din sila habang ginagawa ang pelikula. 

Ipinaliwanag din ng dalawang bagets sa presscon ng pelikula kamakailan na walang romantic angle ang movie. Ang goal ng pelikula ay takutin ang audience dahil ito nga naman ay isang horror film na may lesson pa ring matututunan. Kung ang iba ay nagsasawa na sa sangkatutak na indie film na ipinapalabas at romcom movies ay nirerekomenda naming panoorin ninyo ito.

Gawa ito ng baguhang direktor na Joey de Guzman at hatid ng Reality Entertainment na subok na sa paggawa ng quality horror films gaya ng Seklusyon at Kuwaresma.

Leave a comment