Ali Forbes, the next Darna?

Maraming followers ni Ali Forbes sa kanyang social media accounts ang humihikayat sa kanya na mag-audition sa Darna movie ng Star Cinema, simula nang mag-anunsiyo ang ABS-CBN na may audition na magaganap para sa role, pagkatapos mag-back out ni Liza Soberana na gawin ito.

Napansin kasi ng followers ni Ali na maganda, sexy, at marunong siyang umarte, bukod pa sa alam nilang isa siyang muay-thai at boxing practitioner, na kayang-kaya niyang mag-action, kaya ganun na lang ang paghikayat ng mga ito na mag-auditon nga siya sa role na Darna.

Well, pagbigyan naman kaya ni Ali ang clamor ng kanyang followers? Mag-auditon nga kaya siya sa Darna? At kung sakaling mag-auditon siya, sana ay siya na lang ang mapili, since taglay naman niya ang lahat ng katangian bilang isang Darna.

Tungkol pa rin kay Ali, pagkatapos siyang mapanood sa unang pelikula na ginawa niya titled Rainbow’s Sunset, heto’t ang kasunod na pelikulang gagawin niya ay ang magsisilbing launching movie niya na isang period movie titled La Puta, na ang magdidirek ay si Direk Joel Lamangan, na siya ring naging direktor niya sa nabanggit na pelikula, na naging entry sa 2018 Metro Manila Film Festvial.

Sa pelikula ay gaganap si Ali bilang isang prostitute, at dito ay marami siyang daring scenes. Dahil launching movie niya ang La Puta, kaya handa siyang ipakita ang magandang hubog ng kanyang katawan sa wide screen.

*****

Nu’ng Sunday, May 12 ay ginanap sa SM North Skydome ang grand album launch ng Ang Soundtrack Ng Buhay Mo, na dinaluhan ng mga housemates (teens and adults) ng PBB Otso, na isa rito si Aljon Mendoza.

Ang tickets ay nagkakahalaga ng 1200 pero sold-out ito, dahil na rin sa iba’t-ibang fan club ng mga housemates na dumalo, para suportahan ang kanikanilang idolo.

Siyempre, hindi nagpakabog ang Team Aljon Global (TAG). Sumugod sila sa Skydome with matching LED and props pa, huh!

Talagang gumastos pa sila para maipakita lang ang pagmamahal nila sa gwapong bagets. 

Dumating din doon ang buong pamilya ni Aljon, lumuwas pa ang mga ito from Macabebe Pampanga, para bigyan ng moral support.

Nang mag-duet na sina Aljon at Karina Bautista, na sila ang binuong loveteam sa PBB Otso, na tinawag na KarJon, ay grabe ang hiyawan ng fans ng dalawa, as in dumagundong talaga ang buong Skydome.

Bukod kasi sa TAG ay nandu’n din ang mga tagahanga ng KarJon.

Sobrang nagpapasalamat si Aljon sa sponsors, pagsusuporta at pagmamahal na ipinapakita sa kanya ng Team Aljon Global India, lalo na kay mommy Jennifer, na mommy na rin ang tawag niya rito dahil sa sobrang suporta na ipinapakita sa kanya at sa ibang TAG, TAG Taiwan, TAG Singapore, at TAG UAE, ganundin din kina Pamela Padua, Ninang Crezshell, Ninang Cherry, Ninang Zel, Kim Lopez, Jap Rodis, Ninang Cel,  Ninang Shie, na galing pa ng Italy, na umuwi lang ng ‘Pinas para mapanood at suportahan siya sa nasabing launching at sa Karjon Taiwan.

Soon ay mapapanood na si Aljon sa bagong serye ng ABS-CBN 2 na Sandugo na gaganap siya rito bilang nakababatang kapatid ni Elise Joson.

Leave a comment