AlDub’s ‘Sa Tamang Panahon’ concert breaks record

by PSR News Bureau
aldub Tulad ng inaasahan, dumagsa ang fans at mga tagasubaybay ng Kalyeserye para sa naging concert ng AlDub na may pamagat na ‘Tamang Panahon’ na ginanap sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan noong nakaraang Sabado, October 24. Sa loob ng tatalong buwan, naging saksi ang lahat sa mabilis na pagsikat nina Alden Richards at Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza magmula nang mabuo ang kanilang tambalan sa noontime show na ‘Eat Bulaga!’ Magmula noon nga ay araw-araw silang nagiging trending topic. Hindi nabitin ang milyun-milyon nilang tagahanga na tinatawag na AlDub Nation sa nasabing grand fans day.

Jampacked ang arena na may 55,000 seating capacity. Umpisa pa lang nang bentahan ng tickets, umabot na kaagad sa P14 million ang nabentang tickets mula sa pagkaka-announce sa ticket sales. Gagamitin ang nalikom na pondo para sa pagtatayo ng AlDub libraries sa buong bansa at pantulong na rin sa mga nabiktima ng bagyong Lando sa Northern Luzon.

trending editedMuling nakagawa ng record ang ‘Eat Bulaga’ sa previous Twitter record nito noong September 26, na may hashtag na #AlDubEBforLove na nakapagtala ng 25.6 million tweets. Nitong Sabado lang kasi’y nakapagtala naman ng 39.4 million tweets ang hashtag na #AlDubEBTamangPanahon dahil sa nasabing concert at grand fans day na nagdulot ng matinding traffic sa gawing Norte.

Nagsilbing highlight ng concert ang naging palitan ng mensahe sa isa’t-isa nina Alden at Maine. Ayon kay Alden, “Maine, ang tagal kong hinintay itong chance na ito, kasi God gave me you. Ang layo na ng narating natin: dalawang taong naghahanap and finally, nagkita na rin. Salamat sa’yo.”
Sinagot naman ito ni Maine, “Alden, thank you. Alam mo, ipinagdasal ko talaga itong araw na ito. Ganun din naman ang gusto kong sabihin sa’yo. God gave me you.”

“Ang dami nang nagbago sa buhay natin. Ang dami ng nangyari. Pero may mga bagay na hindi pa rin magbabago. Alam mo na ‘yun, isa dun, ikaw at ako.”

aldub-tamang-panahon-twitter-recordNagkaroon ng chance na mag-duet ang dalawa na talagang magkasama na sa pagkakatong iyon at hindi na tulad nang dati na palagi silang nagkikita lang sa split screen na sadya namang ikinatuwa iyon ng fans.

Nung araw ng concert, tinupad na rin ni Lola Nidora ang kanyang naging pahayag na puwede nang mag-usap ang dalawa at puwede na ring magkatabi. Ito ang naging sweetest moments ng magkapareha kung saan ilang beses silang nagyakap. Kaya’t maraming kinilig, naiyak at nadala lalo na sa naging duet nilang dalawa. Feel na feel ng AlDub nation at ramdam sa buong Philippine Arena ang init ng pagmamahal ng mga sumusuporta sa tambalan ng AlDub.

Nagkaroon pa ng isang punto kung saan lumuhod pa si Alden sa harap ni Maine during the said duet production number. Nagsayaw rin sila na parang dumalo sa isang magarbong pagtitipon. Sama-samang sinariwa at binalikan ng lahat ang pinagdaanan ng AlDub mamula ng mabuo ang tambalan noong July 16, 2015.

aldub-togetherAyon sa mga taga-‘Eat Bulaga,’ hindi dito natatapos ang istorya ng pagmamahalan nilang dalawa. Patuloy pa rin sa pagpapaalala si Lola Nidora na ipagpatuloy ang pagkakaibigan at mas kilalanin pa nang mabuti ang isa’t-isa. Hindi pa raw tapos ang kuwento pagkat wala pa raw siyang apo mula sa mga ito.

Sa pagtatapos ng nasabing concert, pinasalamatan nina Alden at Maine ang lahat na naging dahilan ng tagumpay ng nasabing kalyeserye at ng ‘Eat Bulaga.’

Leave a comment