Alden’s new offering gains viewers

Trending at inulan ng positive reaction mula sa viewers ang pilot episode ng blockbuster primetime drama na ‘The World Between Us’ nitong Lunes, July 5.

Marami ang na-inspire sa kuwento ng batang Louie, ang karakter na gagampanan ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards paglaki, at ang kaniyang pagsusumikap na maiahon sila ng kanyang ina mula sa kahirapan.

Tutok na tutok naman ang viewers sa pagsisimula ng istorya at marami ring netizens ang nagbahagi ng kanilang reaksyon sa pilot episode sa Twitter kung saan nag-trend ang official hashtag ng show na #TheWorldBetweenUs sa ikatlong spot.

Naka-relate rin ang ilang netizens sa kuwento ni Louie, “Nakaka inspire naman talaga mag-aral tulad ni Louie lalo na ‘pag mga parents natin ang ating inspiration. #TheWorldBetweenUs.”

Puring-puri rin ng mga manonood ang pang-world class na production at husay ng direktor ng serye na si Dominic Zapata, “Tatak at gawang Pinoy ang #TheWorldBetweenUs that we should be proud of. For its world class and outstanding cinematography, story, casting, and etc. At syempre, for the best direction of Direk Dom. Nakakabilib!”

Tutok lang sa The World Between Us, weeknights, sa GMA Telebabad. 

Leave a comment