Alden shows versatility in new TV series

Naiiba at tiyak na pag-uusapan ang karakter na gagampanan ni Alden Richards sa The World Between Us bilang si Luisito “Louie” Asuncion.

Kung nasanay tayo na laging goody-goody ang mga role ni Alden sa kanyang mga nakaraang teleserye, dito sa The World Between Us ay hindi siya puro pa- good boy.

“Because of those struggles that my character experienced within the story, there’s a certain learning and certain twist within my character itself.

“This time, I’ll be playing a role na hindi lang puro good boy. “There will come a time in the story that I will take vengeance on the people who have done me wrong, and that’s what I’m looking forward to.”

Oo, mapapanood natin si Alden na maghihiganti sa mga umapi sa kanya.

“So medyo gray siya. Hindi all-white character. I’ve never done anything like this on TV. Noong magkaroon ng ganoong anggulo ang character ko, all the more that I have so much to give, I have so much to learn from it.

“Gusto kong maging malinis ang transition sa bawat stage ng character ni Louie and to be reasonable as well.”

Pero siyempre, meron ding mga kilig scene moments sina Alden at Jasmine Curtis-Smith na gaganap naman bilang si Lia Libradilla sa The World Between Us.

“Sa kilig naman, kami ni Jas, we don’t really prepare for it.

“Pero for some reason, take one siya, e,” nakangiti at may pagmamalaking sabi niya.

“May ganoon, and all the more na hindi pinagpaplanuhan ang isang bagay, all the more na nagkakaroon ng bunga.

“Siguro kami ni Jas, meron na po kaming secret language.

“Hindi po kami nag-uusap masyado kapag hindi kami nasa work. Of course, kapag pahinga kami, we have our own personal lives as well.

“Pero for some reason, there’s a secret language. I don’t know parang mga ganoon po. Tinginan lang, alam na namin. Script, basa, action, cut, good na.

“Kung comfort at comfort lang ang pag-uusapan, wala na pong problema. Na-surpass na namin.”

Bukod kina Alden at Jasmine, nasa The World Between Us din si Tom Rodriguez bilang Bryan Libradilla, at ganoon din sina Dina Bonnevie bilang si Rachel Libradilla, Jaclyn Jose bilang Yachie Delgado, Sid Lucero bilang Eric Carlos, Yana Asistio bilang Jackie Carlos, Kelley Day bilang Audrey Villacer, Donn Boco bilang Pitoy at si Jericho Arceo bilang Edison.

Ang The World Between Us ay sa direksyon ni Dominic Zapata at napapanood weeknights sa GMA Telebabad.

Leave a comment