Alden Richards, young Alden dominate twitter world

Trending topic ulit ang virtual reality concert ni Alden Richards matapos ang pag-ere nito sa telebisyon nitong Linggo (January 17) via “Alden’s Reality: The TV Special.”

Maraming Kapuso viewers ang talagang nag-request na mapanood ang sold-out virtual concert ng Asia’s Multimedia Star na ginanap last Dec. 8.

Matatandaang noong mismong gabi ng concert ay trending ang #AldensReality sa Twitter.

Last Sunday night nga, pasok sa Philippines trends list ang official hashtag nito na #AldensRealityTheTVSpecial. 

Usap-usapan ang performances ni Alden kasama ang kaniyang special guests na sina Rodjun at Rayver Cruz at bandang December Avenue.

Pati mga Kapuso abroad ay tumutok din via GMA Pinoy TV.

Ang “Alden’s Reality” ay produced ng GMA Synergy at handog ni Alden sa kanyang fans sa kanyang ika-10 taon sa showbiz.

Trailer ng The Lost Recipe, mahigit 1 million views na!

Hindi pa man nagsisimula, napakaganda na ng feedback na natatanggap ng “The Lost Recipe” na nag-pilot airing nitong Lunes sa GMA News TV.

Ang full trailer nga ng bagong  fantasy-romance series na pinagbibidahan nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda ay may higit 1 million views na sa loob lang ng ilang araw!

Bukod sa karakter nina Mikee at Kelvin bilang Apple at Harvey, dapat ding abangan ang role nina Paul Salas, Thea Tolentino, kasama ang iba pang cast ng serye.

Samantala, marami rin ang na-LSS sa official soundtrack ng series na “Tumatakbo” mula sa bandang Mojofly. Ginawan rin ito ng cover ni Paul.

Patikim pa lang pala ito sa mga naggagandahang kanta na tampok sa The Lost Recipe.  

Bukod sa “Tumatakbo,” inawit din ni Paul ang isa pang aabangang kanta na “Tama Ba o Tama Na”. 

Si Topper Fabregas  na part ng programa at si Kapuso OST Princess Hannah Precillas ang boses sa likod ng kantang “No Matter What It Takes.”

Ang finalist naman ng The Clash na si Jennifer Maravilla ang magbibigay tinig sa kantang “Abutin.”

Bukod sa mga ito, balita namin at may iba pang mga kasunod na sorpresang awitin mula sa “The Lost Recipe.”

Sino kaya ang kakanta nito? Habang nag-aabang, tutok na sa The Lost Recipe, Mondays to Friday, 8 p.m., sa GMA News TV!

Leave a comment