Alden Richards, one of the busiest GMA stars

Ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards pala ang host ng documentary na “Lockdown: Food Diaries.”

Biyernes (September 11) ng gabi ipinakilala si Alden bilang mukha ng upcoming docu program produced by GMA Public Affairs.

Matagal-tagal ding na-curious ang viewers at netizens kung sino nga ba ang host ng nasabing palabas.

Kung tutuusin, swak na swak para kay Alden ang nasabing dokyu dahil bukod sa pagiging artista, businessman din si Alden.

At kagaya ng ibang negosyo, naapektuhan din nang husto ang kanyang food business dahil sa pandemic. 

Tatalakayin kasi sa nasabing dokyu kung papaano binago ng pandemya ang food industry at kung paano nga ba nag-adjust ang iba’t ibang sector upang harapin ang epekto ng COVID-19.

In demand nga talaga si Alden hindi lang sa paggawa ng TV shows kundi pati na rin sa mga socio-civic activity.

Kamakailan lang ay hinirang naman si Alden bilang Anti-Covid 19 Awareness Campaign Ambassador ng Department of Health.

Sa September 27 na eere ang Lockdown: Food Diaries, 3:45 pm sa GMA Network.

Leave a comment