Alden Richards offers his career success to his late mother

psr ad

by PSR News Bureau

Kung mayroong isang tao na tiyak na natutuwa sa tinatamong tagumpay ni Alden Richards ngayon, ito’y walang iba kung hindi ang kanyang yumaong ina. Walang hilig mag-artista dati si Alden, pero dahil likas na guwapo ang anak kung kaya’t ang ina ni Alden ang humihikayat sa kanya upang mag-audition at magpunta sa mga ‘go-sees.’download (7)

Kung tutuusin, matagal ding nagtiyaga ng husto si Alden bago narating nito ang rurok ng tagumpay. Hindi biro ang pinagdaanan niya sa bawa’t pag-angat ng kanyang karera. Kaya naman, maaaring mula sa langit o kung nasaan man ang kanyang ina sa mga panahon na ito, siguradong natutuwa ito sa laki ng pagbabago sa buhay ng kanyang mabuting anak.

Ayon kay Alden mismo, itinuturing niyang guardian angel ang kanyang ina. “Alam ko, kahit wala na siya, binabantayan pa rin niya ako kung saan man siya naroroon,” sabi ni Alden. “Sa tuwing may mga proyekto akong gagawin, sinasabi ko pa rin sa kanya at kinakausap ko na parang hindi pa rin siya nawala. I’m sure wherever she is now, she’s very happy. Kumbaga, ang feeling ko kasi, lumakas yung kapit ko kay Lord kasi siya [his mom] yung direktang nagsasabi,” paliwanag pa ng sikat na sikat na ‘Bae ng bayan.’

Matagal na kasing pangarap ni Gng. Rosario Reyes Faulkerson na makita ang anak niya sa TV at pelikula bilang artista. Pumanaw ang ina ni Alden noong taong 2008 sa sakit na chronic pneumonia.
“Siyempre, may mga sandali na iniisip ko na sana nasaksihan pa ni Mama kung ano yung tinatahak ng career ko ngayon. Pero nandito pa rin ako para sa kanya. This is her legacy. And I’m doing this for her still,” pahayag pa ni Alden.

AldenRichardsBago tuluyang pumalaot sa daigdig ng showbiz si Alden, naging Ginoong Sta. Rosa muna siya taong 2009 at runner-up naman sa Ginoong Laguna taong 2010. Pumila rin at nag-audition si Alden sa reality shows na Starstruck V at Pinoy Big Brother: Teen Clash of 2010. Parehong bigo na mapasama si Alden sa mga naturang palabas. Nakagawa siya ng ilang TV commercials at nang mag-audition siya para sa isang teleserye noong taong 2010, pinalad na makapasok ito at naging leading man siya nang i-launch ang career ng kanyang unang ka-loveteam na si Louise Delos Reyes sa “Alakdana.”

Leave a comment