Alden, Janine strong nominees at the Gawad Urian this year

Nominado sina Alden Richards at Janine Gutierrez bilang Best Actor at Best Actress sa ika-43 Gawad Urian na gaganapin sa darating na Oktubre.

Nominado si Alden bilang Best Actor para sa pelikulang ‘Hello, Love, Goodbye,’ habang nominado naman bilang Best Actress si Janine para sa ‘Babae at Baril.’

Highest grossing Filipino film ang ‘Hello, Love, Goodbye’ kung saan isa sa mga bida si Alden. 

Samantala, kabilang naman sa 2019 QCinema International Film Festival ang ‘Babae at Baril’ kung saan napalanunan ni Janine ang kanyang unang Best Actress award.

Kasama rin ang ‘Babae at Baril’ sa listahan ng mga nominado sa katergoryang Best Picture, Best Screenplay, Best Cinematography, Best Supporting Actor, Best Production Design, Best Music, Best Editing, at Best Director para kay Rae Red.

Leave a comment