Albert Martinez claims: “This will be my saddest Christmas!”

by PSR News Bureau

Albert-Martinez-Liezel-1Inamin ng aktor na si Albert Martinez na itong darating na Pasko ang magiging pinakamalungkot na Pasko sa kanyang buhay dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makalimot sa sinapit na maagang pagpanaw ng kanyang butihing maybahay na si Liezl dahil sa cancer. “This will be my saddest Christmas,” bungad ni Albert sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph). “When Liezl was alive, she was the one that alwsy made sure that our family was together for the holiday. Siya talaga yung punong-abal sa regalo to make sure, this and that. Right now, ako na ‘yun. Well, it’s going to be hard, but we’ll manage.”

“This year, we need to double our efforts to be happy. The worst thing that happened in my life happened this year, 2015. Losing my wife is no joke and hanggang ngayon, dala-dala ko ‘yun. Hindi matatanggal ‘yun.”

“On the positive side, I was given the opportunity to revive my career in the industry. It’s a mix of being both happy and sad. Bittersweet, ganun.”

amalia_fuentesHindi pa raw sila nagkikitang muli ng kanyang nakaalitang mother-in-law na si Amalia Fuentes na kamakailan lang ay napabalitang nagkaroon ng ischemic stroke habang nagbabalasyon ito sa South Korea. “Siguro kapag okay na ang lahat, naghihintay lang ako ng tamang panahon. Ayoko rin kasing mag-pressure ng kahit sinong tao. Kung welcome ako doon, ready na ang lahat, I’ll be more than happy.”

Matatandaan na noong kasagsagan ng pagkamatay ni Liezl, sinisisi ni Amalia si Albert na ‘inagaw’ ang kaisa-isang anak mula sa kanya. Dito nagsimula ang hindi nila pagkakaintindihan.

Leave a comment