AJ Muhlach is happy for former love team Nadine Lustre

Nadine Lustre & AJ Muhlach photo by Glen Sibonga Bago pa man nakilala at sumikat ang kilig love team nina James Reid at Nadine Lustre, sina AJ Muhlach at Nadine Lustre muna ang iginu-groom ng Viva Talent Management Agency bilang love team. Pero dahil naging breakthrough at successful nga ang Jadine tandem, nabago ang direksyon ng career ni AJ Muhlach.

Wala ka bang panghihinayang na ang ka-love team mong si Nadine ay napunta kay James?

“Wala naman po, kasi kung kami naman po ni Nadine ang nagkatuluyan as a love team, hindi ko naman po alam ang magiging reception ng mga tao,” aniya.

Feeling mo ba naunsyami ang career mo dahil nawalan ka ng ka-love team?

“Hindi naman po. Kasi sa totoo lang, happy po ako para kay Nadine. Napi-feel ko rin naman na gusto niyang sumikat. Proud ako sa kanya dahil matagal rin naman kaming nagkasama. Happy ako sa naabot niya. Masaya ako para sa kanya.”

Are you hoping na magkasama rin kayo sa isang pelikula?

“Nagkasama na po kami sa “Chain Mail,” pero hindi nga lang as a love team. Siyempre naman po…siguro, it would nostalgic kung magkakasama kami,” bulalas niya.

Okay lang ba sa iyong maging ka-love triangle nina James at Nadine?

“Wala naman pong issue sa amin ni James at maging kay Nadine. Kung na-link man kami noon ni Nadine, siguro na-hyped lang dahil lagi kaming magkasama.”

imagesAno ang balak sa iyo ng Viva?

“As of now, sinasabi sa akin ni Boss Vic at ni Boss Vincent (Del Rosario) na gusto nila akong maging malalim na actor and someone who goes solo. Kung may love team, okay lang po. Yung tipong John Lloyd Cruz ang peg na hindi kailangan ang ka-love team at puwedeng iba’t-iba ang partners,”pagtatapat niya.

Ano’ng masasabi mo sa suportang ibinibigay sa iyo ng pamilya mo at ng Tia Nena mo kumpara sa suportang ibinigay nila noon sa kapatid mong si Aga? Wala ba silang balak na ipagprodyus ka ng pelikula?

“In terms of moral support, lagi namang naroon ang suporta ng Daddy Cheng ko. Yung time lang noon sa utol ko, buhay pa kasi ang D’Wonder Films kung saan producer ang Dad ko.Sa ngayon, retired na kasi ang Daddy ko. Mas kita o pansin lang siya sa media pero essentially naroon naman po ang suporta nila sa pag-aartista ko,” paliwanag niya.

Ayon pa kay AJ, gusto niyang makilala bilang isang magaling na character actor.
“Pag leading man kasi, may image kang dapat bantayan, samantalang kung character actor ka, marami kang puwedeng laruin o i-explore sa mga roles mo.”

Paano mo ia-assess ang career mo ngayon na 23 years old ka na?

“Wala naman po akong hinahabol na oras. Ini-enjoy ko lang kung ano ang meron ako. Chill lang ako sa career ko dahil I have all the time in the world. Kung hindi man ako maging successful sa acting career ko, meron naman akong ibang puwedeng puntahan,”pagtatapos niya.

Mapapanood si AJ bilang superhero sa “Wattpad Presents Bebeng Pabebe Meets Super Jiro” kung saan katambal niya si Ella Cruz sa TV 5.
Nasa cast din si AJ ng monumental epic ng “Felix Manalo” kung saan ginagampanan niya ang batang Erano Manalo na kanyang big break as an actor.

Leave a comment