Aiko slaps body shamers

Sexy na uli si Aiko Melendez, nang dahil sa pagda-diet.

Dahil proud ang award-winning actress sa kanyang kaseksihan ngayon, kaya pino- post niya sa kanyang social media accounts ang kanyang mga litrato.

Pero as usual, kung marami ang nag-congratulate at natuwa sa kanya sa pagbalik ng kanyang pigura, ay may ilan din na hindi.

Sabi ng kanyang bashers, edited lang daw ang mga pictures niya. Niretoke niya lang daw ang mga ito para magmukha siyang sexy.

Hindi pinalampas ni Aiko ang kanyang bashers.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post ay pinatulan niya ang mga ito.

Sabi niya published as is, “I really don’t understand anymore why some people can’t be happy, when someone’s just achieved her goal.”

Ayon pa kay Aiko, pinipintasan siya ng netizens noong mataba siya, pero ngayong pumayat siya ay pintas pa rin ang inabot niya sa mga ito.

“Nung mataba ako sabi niyo mukha akong nanay, now naman inedit ko. Hindi ba pwedeng I have gone through pain and sacrifices just to achieve my weight now?Cmon give me a break. Envy doesn’t lead you anywhere. Just be happy. Like I am happy.”

Walang binanggit si Aiko sa kanyang post kung kailan niya sinimulan ang kanyang pagda-diet.

Patuloy ng aktres, hindi raw talaga madali ang pinagdaanan niya, kaya wala raw sa posisyon ang iba na husgahan siya.

 “This is my body! I am accountable to myself and no one else,” aniya pa.

Iginiit niya na hindi edited ang mga litratong ipino-post niya.

“Now im posting a raw pic without edit coz im against editing ones pictures coz sino niloko ko? Sarili ko. I’m too old for that.

“I am posting to inspire people who are struggling with their weight. That there is ways and hope for all of them. If that’s a sin then I don’t know else what is right.

“And to my bashers thank you! At least you are following me and taking notice of me. You must be a fan.”

Leave a comment