Aiko, VG Jay to produce digital series starring Gelli, Carmina

Ipinahayag ng premyadong aktres na si Aiko Melendez na nami-miss na niya ang muling humarap sa camera, ngunit may halong pangamba siyang nararamdaman dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.

“Miss ko na po ang work sa GMA-7, pero may takot po sa pag-resume po namin kasi ‘di ba, ang dami sa Metro Manila po na may sakit po. Kaya dasal lagi po talaga ang kailangan kung ano man magiging guidelines ng GMA sa taping po namin,” saad ng aktres.

Hinggil naman sa niluluto nilang project na sila ng BF niyang si Zambales Vice Governor Jay Khonghun ang producers, under JA28 Productions, tuloy pa rin daw ito.

“Opo kuya, kadarating lang po ng script namin, pero digital series na po siya, kasi sa situation po now kaya nag-adjust po kami,” esplika pa ni Ms. Aiko ukol sa planong iprodyus na pelikula.

Ang nasabing proyekto ay ang reunion movie ng magkakaibigang sina Ms. Aiko, Gelli de Belen, at Carmina Villaroel.

Samantala, gumawa na ng aksiyon si Ms. Aiko ukol sa isang pasaway na netizen na nagsabing may video sex scandal/videocall scandal ang anak niyang si Andre Yllana.

Ito ang nag-tweet na may sex scandal si Andre na ayon dito’y ilalabas niya kapag umabot sa 25k ang kanyang followers.

Last Thursday ay nag-file ng kasong cybercrime ang mag-inang Aiko at Andre kasam si VG Jay sa tanggapan ng Cybercrime Division ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Camp Crame sa Quezon City.

Pinasalamatan ni Ms. Aiko ang kasintahang si VG Jay sa pagsuporta nito sa kanilang mag-inang si Andre.

“Thank you baby Vg Jay Khonghun for stepping in for Andre. We appreciate your presence.”

Pahayag naman ni Ms. Aiko sa pasaway na netizen, “As I told you don’t mess with any of my love ones. Especially when we are right! Because we will teach you a lesson that you regret learning.”

Nauna rito, galit at palaban ang mga naging pahayag ni Ms. Aiko.

Aniya, “Kantiin ninyo na ako, huwag lang ang mga anak ko! Alam ninyo naman po kung gaano ako ka-over protective pagdating sa mga anak ko. Pagdating sa anak ko, kantiin n’yo na po ako, you can lambast me all you want but when it comes to my children, ako ang makakalaban ninyo.

“Unag-una, si Andre ay matino ko po iyang pinalaki.  Kahit mag-isa po ako ay itinaguyod ko iyan nang maayos sa malinis na paraan na alam ko at paraan namin ng mommy ko kasi katulong ko ang mommy Elsie (Castañeda) ko sa pagpapalaki kay Andre.

“I can’t say that my son is perfect because no one is perfect pero hindi ko rin masasabi na ang anak ko ay isang masamang bata, kasi ang anak ko kahit ganyan iyan, mabuting bata iyan. Minsan nabibigyan ako ng sakit ng ulo but never a major problem, never na pagbintangan na may sex scandal siya.”

Dagdag pa ni Ms. Aiko, “Kaya grabe ang inis ko sa taong ito (@jakolinks) na sinisira ang pangalan ng anak ko na iningat-ingatan ko nang maraming taon kasi mag-isa ko iyang itinayo, halos iginapang ko iyan ng dugo, luha, at pawis para mapalaki ko iyan nang maayos tapos isang tao lang ang yuyurak na sasabihing may sex scandal ang anak ko?!”

Hamon pa ng Kapuso star sa naturang netizen, “Heto hinahamon kita, kung matapang ka, lumabas ka. Kung may sex scandal ka ng anak ko ilabas mo, pero kapag wala kang nailabas na sex scandal, idedemanda kita!”

Base sa huling balitang napag-alaman namin, mayroon ng lead ang grupo nina Ms. Aiko kung sino ang naninira sa anak na si Andre.

“We now have a lead as to who this crazy pervert is who caused my son Andre Yllana anxiety!”

Leave a comment