Aiko Melendez not totally closing her door to politics

Tinanong namin si Aiko Melendez kung ano ang expectations niya, career-wise, sa taong 2021?

“Gusto ko for 2021 mag-reinvent ng sarili at roles na gagawin ko so expect the unexpected sa akin sa 2021.” 

Kung tungkol naman sa politics? Isang taon na lamang at eleksyon na muli, ano ang plano ni Aiko?

“Elections, I’m not closing any doors to any posibilities and I’m making a change this year,” ang makahulugang sinabi ni Aiko. 

Nakumpleto at natapos ni Aiko ang kanyang tatlong termino bilang konsehala sa 2nd District ng Quezon City noong 2001 hanggang 2010.

S personal naman niyang buhay, may wedding plans na ba sila ni Zambales Vice-governor Jay Khonghun??

“Wedding plans? I am not in the position to say anything about that kasi ang pangit kung sa akin manggagaling. Ha! Ha! Ha!”

Tatlong taon na ngayong magkasintahan sina Aiko At VG Jay.

Naniniwala ba si Aiko sa New Year’s Resolution? May New Year’s resolution ba si Aiko?

“Actually hindi ako naniniwala sa New Year’s resolution pero nagiging guide ko siya everytime may gusto akong i-achieve.

“So for this year mas magiging grateful ako with what I have.” 

Ano naman ang biggest lesson na natutunan ni Aiko sa buhay niya nitong nakalipas na taon?

“Iyan din ang naging greatest lesson ng lahat for 2020, is to be grateful with what you have kasi it doesn’t  matter how much money you have kung may sakit ka.

“And it also taught us the lesson when most of us was just stuck home doing nothing but we were just in the company of our family. 

Ano ang mga maituturing niyang blessings na dumating sa kanya sa taong 2020?

“Ang pinaka blessing ko sa 2020 was kahit may pandemic God provided and I was also able to share what I have to the less fortunate,” pahayag pa ni Aiko na nakausap namin via Facebook messaging. 

May upcoming shows na ba siya sa GMA?

“No shows yet after Prima Donnas but GMA assured me there is one after [Prima Donas].” 

Speaking of Prima Donnas, nanalo si  Aiko bilang Favorite Kontrabida sa LionhearTV RAWR Awards 2020 noong December 5 ng gabi via a virtual awarding ceremony.

Dahil sa husay ni Aiko bilang  Maria Kendra Fajardo-Claveria sa  Prima Donnas ng GMA at

tinalo niya sa naturang kategorya sina Kyle Velino (Gameboys The Series); Yam Concepcion (Love Thy Woman); John Arcilla (FPJ’s Ang Probinsyano); Dimples Romana (Kadenang Ginto); Jodi Sta. Maria (Ang Iyo Ay Akin); Martin del Rosario (The Gift) at Sheryl Cruz (Magkaagaw).

Leave a comment