Aiko Melendez no answer on breakup rumors with politician boyfriend

Is there trouble in paradise? Break na ba sila?

Ito ang mga katanungang naglalaro sa isipan ng marami tungkol sa magkasintahang (kung sila pa nga?) Aiko Melendez at Jay Khonghun.

Nagsimula ang alinlangan ng mga malalapit sa dalawa nitong nakaraang Mother’s Day celebration.

Kung sa mga nakaraang taon ay walang palya sa pagpu-post ng pagbati niya ang Zambales Vice-Governor sa karelasyong multi-awarded actress, this year, a few days actually (May 10, araw ng pagdiriwang ng Mother’s Day), ay walang greeting si VG Jay kay Aiko.

Ni wala ring post si Aiko sa kanyang social media accounts (Facebook at Instagram) kung binigyan man lang ba siya ni VG Jay ng roses at chocolates o anumang regalo bilang pagpupugay sa pagiging mabuting ina ng aktres.

Kapansin-pansin din na walang anumang bagong update si Aiko sa mga COVID-19 relief operation nila ni Jay, hindi tulad ng mga nakaraang linggo na napaka-aktibo ng dalawa sa pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng pandemya. 

Nagpadala kami ng mensahe kay Aiko (sa pamamagitan ng text at FB messenger); sa una ay smiling emoji ang isinagot sa amin ng Prima Donnas actress.

Sa pangalawang mensahe namin ay hindi na sumagot pa si Aiko.

Patuloy pa rin kaming naghihintay sa paliwanag ni Aiko tungkol sa kaganapan sa relasyon nila ng Bise-Gobernador.

Leave a comment