Aiko Melendez finds her “forever”

Obvious na maligaya ngayon ang premyadong aktres na si Aiko Melendez nang humarap siya sa amin sa paanyaya  niya sa White Rock, Subic Zambales.

Ang magandang aura na ‘yun ng aktres ay masasabing si Mayor Jay Khonghun  ang dahilan. Isang taon at isang buwan kasi ang itinatagal ng kanilang relasyon.

At sa bansang Japan nga nila ito sinelebreyt.

Dalawang araw lang daw sila doon sa bansang Japan. Super busy daw ang pulitikong boyfriend.

Handa at 100 percent ang suporta ni Aiko sa kanyang  boyftiend ngayon.

Lalo na sa darating na campaign period. 45 days to be exact ang nakalaang panahon niya.

Sabi nga ni Aiko,”Sana siya na ang forever.”

Sinagot naman ito nito ni mayor na siya na rin ang forever and ever and ever. Amen!

Hindi pa rin madetalye ni Aiko kung kailan ang kasalan.

Hindi man siya tatakbo sa darating na eleksyon ay sarili niyang desisyon yon.

587ff3bd-680d-48e2-a7e8-df613ab9884f

At wala siyang pinagsisihan. Dahil gusto niyang makasama si Mayor sa pagtakbo nito bilang Vice Governor ng Zambales. 

Usap-usapan naman na malakas ang laban ni Aiko sa darating na MMFF bilang best supporting actress.

Well, Lets wait and see.

Leave a comment