Aiko Melendez exposes slimmer figure

Inspirasyon para sa nakararami si Prima Donnas star Aiko Melendez na kapansin-pansin ang kaseksihan kahit pa man stuck at home sa gitna ng quarantine. 

Sa edad na 44-years-old, ginulat ng seasoned actress ang netizens sa kanyang slimmer figure nang mag-post ito sa kanyang Instagram na naka-bathing suit.

Ibinahagi na noon ni Aiko na matinding disiplina raw sa pagkain nang tama ang naging susi sa matagumpay niyang weight loss journey.

“Gusto ko maging healthy ako at gusto ko pagbalik ko sa TV via Prima Donnas, masa-shock ang tao sa akin dahil kalahating tao ang makikita nila kay Kendra,” dagdag pa ni Aiko.

Kasama sa mga napahanga sa kanyang post ang kanyang Prima Donnas co-stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo.

Maraming netizens din ang nagkomento na na-inspire silang mas maging healthy at fit ngayong quarantine dahil sa Kapuso actress. 

Leave a comment