Ai Ai reaches 1 million IG followers, gives back

Ramdam talaga ang saya ng Philippine Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas dahil mayroon na siyang one million followers sa Instagram.

Buong-puso ang pasasalamat niya sa mga netizen na sumusuporta sa kanya. 

Post niya sa IG, “Maraming marami pong salamat sa aking 1M followers .. sa hirap at ginhawa , sa lungkot at kasiyahan ay kasama ko kayo. Keep safe mga followers .. salamat sa inyong pagtatanggol pag may mga dumadaang or nanatiling nakamasid lang dito na ready mang bash hehe at mga kampon ng kasamaan sa ig ko.”

Bilang pasasalamat sa walang sawang pagmamahal ng kanyang fans, nagkaroon si Ai Ai ng solo Instagram at Facebook live for the first time kahapon.

Namigay siya ng giveaways at iba pang regalo.

Samantala, habang di pa busy bilang judge ng The Clash, ginugugol din ni Ai Ai ang kanyang oras sa Martina’s Bread and Pastries, ang kanyang negosyo na itinayo sa gitna ng quarantine.

Leave a comment