Ai Ai perfect as Willie’s co-host

Bilib daw ang ‘Wowowin’ host na si Willie Revillame sa pagpirma ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas sa ilalim ng GMA Artist Center kamakailan lang.

Sa special guesting niya sa show noong June 19, ipinagmalaki ni Ai Ai ang tungkol sa kanyang naging contract signing, “Nararamdaman ko, sabi ko, ‘Eto na, magkakaroon na rin ako ng silbi rito. Binigyan na rin nila ako ng pagkakataon. Ibig ko sabihin, ako, magkakaroon naman ako ng silbi sa kanila.”

Hindi napigilan ni Willie na mamangha sa pahayag ni Ai Ai at sa kaniyang dedikasyon sa career niya bilang isang Kapuso, “Bihira natin madinig ‘yun, ah, ‘yung ganung salita. So, parang ibinibigay mo naman ‘yung serbisyo mo.”

Leave a comment