Ai Ai at Kris bestfriends again; Desiree, Jodi, Kaye, ungusan in terms of popularity

This is it

by Rommel Placente
 
 
One year to be exact last December 30 hindi nagkibuan sina  na sina AI Ai delas Alas at Kris Aquino pero that day din  nang magkita sila sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay nagkabati rin sila. Isang necklace na may 3 pendants ang naging peace offering gift ni Kris sa bestfriend. Teary-eyed naman itong tinanggap ni Ai-Ai at nagyakapan ang dalawa.
 
Peace offering ni Kris kay Ai_u
Photo credit: Ogie Diaz’ IG account
 
Matatandaan na sumama ang loob ni Ai Ai kay Kris nung hindi ito nakarating sa burol ng kanyang ina na labis talagang dinamdam yun ng komedyana na naging dahilan kaya nga sumama ang loob niya kay Kris at nakapagsalita siya nang hindi maganda sa Queen of all Media.
 
———
 
KASABAYAN sa showbiz ni Desiree del  Valle sina Jody Sta. Maria at Kaye Abad pero ang layo na ng agwat ng dalawa sa kanya in terms of popularity.
 
 
 
Collage Desiree Jodi Kaye
Desiree del Valle – Jodi Sta. Maria – Kaye Abad
 
Nangulimlim na rin naman ang career nina Jody at Kaye pero nakabalik sila at nagawa uli nilamg magbida sa mga serye, samantalang si Desiree ay hanggang supporting roles nalang ang natatanggap.  At manakanaka lang ang proyekto niya sa ABS-CBN 2.  
Naiinggit kaya ngayon si Desiree kina Jodi at Kaye dahil sa magandang nangyayari sa career ng mga ito?

 

 

 

 

Leave a comment