Ai Ai clears the script revision issue: “It’s not true. There’s no such thing.”

Rommel_Placente
by Rommel Placente

515-aiai-delas-alas-biography-400x252 Isinulat namin dito sa aming kolum na This Is It na diumano’y imbudo kay Ai Ai delas Alas ang production staff ng seryeng gagawin niya sa GMA 7 na “Let The Love Begin”. Pinapa-revise daw kasi niya ang paunang script na ibinigay sa kanya gayung ‘yun naman daw talaga ang itatakbo ng istorya nito. Nang makarating ito kay Ai Ai ay dininay niya ito, wala raw itong katotohanan.

Balita nga namin, nagtampo sa amin si Ai Ai nung mabasa niya yung isinulat namin tungkol sa kanya. Pero yung isinulat naman namin ay hindi namin kino-confirm. Patanong nga ang pagkakasulat namin tungkol sa isyung ito kay Ai Ai. Hindi nga rin kami nag-comment o nagbigay ng opinyon. Kilala rin naman kasi namin si Ai Ai, alam namin na hindi siya reklamador na tao. Mali nga lang siguro ‘yung nakarating sa amin.
Nagpalitan na kami ng text messages ni Ai Ai, okay na kami. Wala na siyang tampo sa amin. Ipinaliwanag namin sa kanya na hindi naman namin siya tinira, na hindi namin yun magagawa sa kanya dahil love namin siya. Patanong lang kako yung pagkakasulat ko tungkol sa isyung ito sa kanya.
Ayon kay Ai Ai, okay lang naman daw ‘yun sa kanya. Kilala naman daw namin siya na kahit sinong tumitira sa kanya ay wala pa ring masamang tinapay sa kanya na ang ibig niyang sabihin ay hindi siya marunong magtanim ng sama ng loob sa kanyang kapwa o detractors.Totoo yun, ganun nga si Ai Ai. May mga pagkakataon nga na sa kanyang mga presscons para sa kanyang serye, pelikula man o concert ay naiimbita ang mga tumitira sa kanya pero wine-welcome pa rin niya ang mga ito with open arms.

[divider]

What will be Kim Chiu’s reaction on the Maja-Gerald split up?

jan16_kimC Ngayong kinumpirma na ni Gerald Anderson na hiwalay na sila ni Maja Salvador, ano kaya ang magiging reaksyon ng ex niyang si Kim Chiu? Ikatuwa kaya niya ang paghihiwalay ng dalawa?

Matatandaan na nasira ang friendship nina Maja at Kim nang makarelasyon ni Maja si Gerald. Hindi yun matanggap ni Kim dahil nung nakipaghiwalay siya kay Gerald ay si Maja ang naging shoulder to cry on niya since bestfriend niya ito. Pero nalaman na lang ni Kim na si Maja ang ipinalit sa kanya ni Gerald na naging dahilan nga para sumama ang loob niya rito at masira ang pagkakaibigan nila. Pero bago pa man mag-break sina Maja at Gerald ay nagkaayos na sina Kim at Maja. Pero ano nga kaya ang magiging saloobin ni Kim kapag nakarating na sa kanya ang paghihiwalay nina Maja at Gerald?

Leave a comment