Ai Ai, Bayani don’t mind box-office, trust God’s plan

Sina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani ang mga bida sa pelikulang “Feelennial” mula sa joint ventures ng DSL Productions at Cignal TV, at sa direksyon ni Rechie del Carmen.  

Ang huling pelikulang ginawa ni Ai Ai ay ‘yung Sons of Nanay Sabel, at si Bayani naman ay ‘yung Pansamatagal. Ang parehong pelikula ay parehong mahina sa takilya noong ito’y ipinalabas this year. 

Kaya naman tinanong ang dalawa, kung may pressure ba silang nararamdaman sa nalalapit na showing ng kanilang pelikula, na baka ganoon din ang kahihinatnan nito sa takilya, lalo na ngayong hindi na gaanong kumikita ang mga pelikula na ipinapalabas.

Sabi ni Bayani, “Ako honestly, hindi! Kasi ang lagi kong dinadasal sa Panginoong Diyos, bigyan Mo ako ng blessings sa panahon Mo. In Your time. Kung hindi Mo ibibigay sa akin, okey lang, ang lagi kasi nating iisipin sa buhay natin, ay acceptance, eh, kung anong mangyayari sa atin, dapat nating tanggapin,” sabi ni Bayani.

Patuloy niya, “Pero kapag binigyan Niya tayo ng bonus, kapag binigyan Niya tayo ng blessings, salamat po Diyos. Salamat sa lahat.

“Kasi ‘yung hanggang ngayon nandito pa rin kami sa industriya, bonus na. So wala na kaming dapat pang hilingin. Parang napakadamot naman namin kung hindi lang kumita ‘yung pelikula namin ay hindi namin matatanggap, at madi-depress na kami.

“Lahat po ng gagawin namin, ang mahalaga, dapat de-kalidad na pelikula, pinaghirapan, pinagbuhusan ng pagod. Kung anuman po ang mangyari, Diyos na po ang bahala.”

Sabi naman ni Ai Ai, “Ako, hindi na rin. Kasi yung nangyari naman sa Sons Of Nanay Sabel, in fairness naman, siya ‘yung pinakamalakas sa mahihina. Oo, totoo yun.

“At saka, naniniwala ako na si Lord ang bahala sa lahat. Remember ‘yung Tanging Ina 1, nu’ng ipalabas ‘yun ay signal number 3. Pero kumita siya talaga nang sobra-sobra. So pag gusto ni Lord, siya ‘yung masusunod. ‘Pag hindi, may iba siyang plano para sa ‘yo.”

Ang “Feelennial” ay showing na sa June 19.

Leave a comment