Ai Ai, Alden in new teleserye?

FEELENNIAL / Column
Masayang-masaya ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai Delas Alas sa pagiging parte niya ng GMA Artist Center family. 

“I’m so thankful for the all blessings. In spite of being in show business for 30 years, I’m still here at niyakap ako ng GMA Network at GMA Artist Center,” share ni Ai Ai sa #ThankfulTuesday post ni Kapuso PR Girl.

Nagsimula si Ai Ai bilang host ng late-night musical variety show na “RSVP” sa GMA. Napabilang din siya sa mga programang “Lunch Date” at “Salo-Salo Together.”

Nagbalik bilang Kapuso si Ai Ai taong 2015 at agad siyang napanood sa ‘Let The Love Begin’ at ‘Sunday PinaSaya.’ 

Ngayong parte na siya ng GMA Artist Center, nais naman niyang makatrabaho sa isang teleserye ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Maliban kay Alden, gusto ring makasama ni Ai Ai sa kanyang upcoming projects si Miguel Tanfelix at fellow Kapuso comedians. 

*****

Nagkaroon ng online gender reveal party sina Kapuso actor Rodjun Cruz at asawang si Dianne Medina para sa kanilang first baby!

Sa ini-upload na vlog sa YouTube channel ni Dianne, ipinakita ng mag-asawa ang naging masayang virtual gathering nila kung saan umattend ang matatalik nilang kaibigan at pamilya.

Para kay Rodjun, anuman ang gender ng anak nila, excited na siyang ibuhos ang pagmamahal niya rito, “Nagpe-prepare na rin ‘yung family namin. Pati sila sobrang excited malaman kung boy or girl. Ako naman medyo iba na ‘yung nararamdaman ko. Boy o girl man ‘yan, mamahalin namin nang sobra-sobra.”

Matapos ang ilang games at paandar sa party, ibinunyag na rin na baby boy ang ipinagbubuntis ni Dianne gamit ang mga confetti na lumabas sa kanilang cute na piñata!

Kasama sa mga nakisaya kina Rodjun at Dianne ang Kapuso stars na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz.

Leave a comment