After winning Miss Q&A 2019, Mitch Montecarlo will send financial help to fire victims in Bataan

Si Mitch Montecarlo, na isang stand-up comedian, ang nag-uwi ng korona bilang Miss Q and A InterTALAKtic 2019 noong Sabado, February 23, sa Araneta Coliseum. 

Bahagi ng napanalunan ni Mitch ay ang cash prize na 2million pesos.  Tinanong namin siya after ng contest, kung saan niya gagamitn ang malaking pera na napanalunan niya.

“Lingid po sa kaalaman ninyo, du’n sa subdivision namin sa Bataan, nagkaroon ng isang malaking sunog, tumupok ng mga 700 houses. So sabi ko, kung sakaling makapwesto ako kahit hindi grand winner, kasi may guaranteed naman, eh, bahagi nun, ibibigay ka sa kanila (mga nasunugan), kasi until now, wala pa rin silang matinong tirahan, nakikisiksik lang sila sa mga school,” sabi ni Mitch.

Patuloy niya, “Actually, wala akong mga kamag-anak dun, mga friends lang. So sabi ko, in my own little way, kahit magkano lang na guaranteed ang makukuka ko, partly talaga is para sa kanila. ‘Yun lang ang hiningi ko kay Lord pero ibinigay naman niya lahat.”

Bukod sa 2 million, ay tumangap din si Mitch ng premyong all-expense paid winter trip for 2 to South Korea.

“Sa lahat ng prize na natangap ko, pinaka-excited ako ru’n sa Trip To Korea, kasi first time kong makakapunta ng Korea at first time kong lalabas ng Pilipinas.”

May passport na naman daw si Mitch, kaya anytime ay pwede siyang mag-travel abroad.

“Meron na naman po akong passport. Kasi supposedly before, a few years back, dapat pupunta ako ng Japan. Pero siguro, destiny na rin na hindi natuloy.”

Ang live-in partner ni Mitch at tinuturing na asawang si Allan, na isang seaman ang isasama niya sa kanyang trip to Korea. Almost 12 years na raw sila nitong nagsasama at straight daw ito.

Hindi raw niya pinasama sI Allan para live siyang panorin, at bigyan ng moral support sa kanyang laban. Sa bahay lang daw ito nanood.

“Ako mismo ang may ayaw. Kasi pag nanood siya, hindi rin magbu-boost yung confidence ko kakabahan ako lalo. Baligtad, eh, di ba? Misan kapag nakikita natin yung mga relative o mga mahal natin sa buhay, mas lalo tayong ginaganahan. Mas naaano ako lagi. Sabi ko, manood ka na lang sa bahay. Uuwi ako na may kakainin tayo. Yun po,” natatawang sabi pa ni Mitch.

May plano ba silang magpakasal ni Allan?

“Hind po namin napapag-usapan, never po,” sagot ni Mitch.

“Kung ano yung set-up po namin, nagkakaintindihan kami run, so masaya po kami.”

Alam ba ng parents mo na may ka-live-in kang lalaki?

“Opo. Alam po ng both parents namin.”

Leave a comment