After earning million subscribers, Sachzna sends donations to deserving families

Tamang panahon! Kakambal na yata talaga ni Sachzna Laparan ang pagiging matagumpay.

Lahat ng pasukin niyang proyekto ay talaga namang panalo.

At ito ngang pinaka-latest ay itong pinasok na rin niya ang pagiging Youtuber.

“Matagal na panahon ko rin na pinag-isipan kung papasukin koang Youtube.

“At dumating nga ang panahon. Sa gitna ng Quarantine ay nakapagdesisyon ako,” sey niya.

Dagdag ng social media influencer, “Sa totoo lang apat na taon bago ako nag-decide mag-youtube. Pinaag-isipan kong mabuti.”

Tamang project sa tamang panahon. 

Dahil nga nasa gitna tayo ng quarantine.

May kapalit ang lahat. Sa kanyang paghihintay ay sobrang kapalit ang ibinigay sa kanya.

“So, hindi ko talaga ini-expect na mag 1 million subscribers po ako in 2 months.

“Sobrang saya ng puso ko. Kaya sobrang pasasalamat sa lahat ng sumusuporta sa akin,” dagdag ni Sachzna.

At dahil sa kanyang nakamit na sobrang biyaya mula kay Lord ay ibinalik niya iyon sa mga taong dapat tulungan.

Nagpamigay siya sa mga taong deserving na tulungan.

Kamakailan lang ay umikot ang team  ni Sachzna kasama ang kanyang pamilya para ipamahagi ang kanyang nakayanan para magbigay ng ayuda.

FRONTROW products, 10 bisikleta at Multi-M Food  Products.

Likas na matulungin na bata itong si Sachzna dahil alam niyang sa panahon ngayon na pandemya ay mas dapat na mahalagang ikaw ay makatulong sa kapwa.

Kung ipinanganak kang kakambal ang suerte at mabiyaya. 

Bakit hindi, ‘di ba?

Sana marami pang Sachzna na marunong mag share ng blessings.

Leave a comment