Adrianna So and her first full-blown intimate scene

Ipinahayag ni Adrianna So na hindi dapat palagpasin ang kanilang pelikulang PaThirsty ng Idea First Company. Palabas na ito ngayong June 1, 2022 sa Vivamax Plus.

Bukod kay Adrianna, tampok sa pelikula si Kych Minemoto, co-starring dito sina Alex Diaz, Chad Kinis, Bob Jbeli, at Kate Alejandrino.

Nakapanood na ba siya ng sexy movie sa Vivamax? Ganitong level ba ang pa-sexy na makikita sa PaThirsty?

Tugon ni Adrianna, “May mga nakita na rin po ako na sexy movies ng Vivamax.

“Kung ganoong level ba? I dont wanna compare, kasi siyempre ay may kanya-kanyang characteristics ang each project. Pero I would say na this is really sexy, fun na sexy, kaya dapat po nila itong abangan.”

Gumaganap dito si Adrianna bilang isang match maker, in real life naging ganito na ba siya?  “Oo naman, favorite ko iyon, kasi I love, love and gusto ko lang na i-celebrate ito lagi. Yes, naka-relate ako sa character ko rito bilang si Pearl.”

Aminado ang aktres na first time siyang sumabak sa ganitong klaseng intimate scene.

Aniya, “It’s my first time to do a full-blown intimate scene and yeah, I’m thankful nga na partner ko si Alex kasi marunong siyang mag-alaga ng co-star and he knows how to ask my boundaries and of course, my consent sa mga scene.” 

Sa parte naman ni Alex, ipinahayag niyang maraming kaabang-abang na masisilip sa kanilang pelikula.

Esplika ni Alex, “I think it’s a mixture of trust with Direk Ivan and a mixture of trust with my co-actors. So, I think you guys gonna see very spicy love scenes, very honest chemistry and honestly, at this point of my life, I feel like my career is so much more than just a personal thing.

“It has become a beacon for a lot of people who don’t see representation in the media and for me, that gives me so much purpose. Palagi naming sinasabing sexuality is really not an issue. For me, if the material is good, if the material can stand, we’ll do it.”

Idinagdag pa ng actor na hindi siya nahirapan sa love scenes nila nina Adriana at Kych. “Surprisingly, hindi siya naging mahirap,,, kasi siyempre like me, I don’t identify as heterosexual. So, you always have that worry na kapag isang heterosexual ang kasama mo, baka mailang.

“Pero for some reason, sobrang ganda lahat ng chemistry namin sa set, leading up to the sex scene and Direk took care of us.”

Mula sa same universe ng hit BL franchise na Gameboys, kuwento ito ni Pearl (Adrianna) at Achilles (Kych), ang mag-besties na parehong broken hearted dahil sa kanilang failed relationships.

Mula sa director ng Game Boys, Ivan Payawal, maging isa sa unang makakanood ng Pathirsty sa Vivamax Plus ngayong June 1, 2022 at available naman sa Vivamax ngayong June 29, 2022.

Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan.

Leave a comment