“The achievement of having been able to put my family together again is something I consider as one of my treasures in life.” – Coco Martin; ‘Wansapanataym Yamishita’s Treasures’ airing soon

pilar@mateo
by Pilar Mateo

1Kung may tao sigurong tutugon talaga sa titulong “uliran”, masasabing isa dito ay si Coco Martin.

Sa presscon ng bago niyang programa za ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television na ‘Yamishita’s Treasures’, muli na namang nagbukas ng kanyang puso si Coco sa press.

“Sobra-sobrang blessings na ang dumating sa buhay ko. At ‘yun ang maituturing kong treasures ko. ‘Yung na-achieve ko na mapagsama-sama ko ang pamilya ko at mabuo muli. May sister na ako na napagtapos ng HRM. Meron pa akong brother na hindi nakapagtapos. May isa pa. Of course sumama ang loob ko. Parang ako na rin kasi ang tumatayong magulang sa kanila. Although alam ko naman na may iba-iba kaming destiny.

“Takilyera sa sabungan ang lola ko. Pero sinikap niya na makapagtapos ako ng pag-a-aral. Kaya ‘yun din sana ang gusto kong maibigay ko sa mga kapatid ko. Kaya ‘yung ganong bagay sobra kong tini-treasure.”

2My next question was kung hanggang saan niya susuportahan ang mga ito.

“Hangga’t kaya ko, Mommy! Hindi ako titigil.”

Eh, paano naman ang pansarili niyang pangangailangan? Love life! Sariling pamilya.

“Sa mula’t mula ‘my, sabi ko nga hangga’t nandito ang oportunidad hindi muna ako titigil. Ayoko pa rin siyang makawala.”

Napansin ng marami na sa muli nilang pagsasama ni Julia Montes who is years younger than him, parang siya na ang masasabing pinaka-malapit sa puso nito. On and off cam.

“Nung una ko makasama si Julia, namumutok pa ang pisngi. Ngayon she has grown in wisdom. Kasi, naging komportable na kami sa isa’t-isa and yes, binibigyan ko siya ng advice lalo na pagdating sa buhay.”

Flattered naman si Julia pero nakita nga raw niya ang father figure in Coco. Dahil nga ito ang nawala sa buhay niya.

5“Nakaka-refresh din ‘yung bata ang nakakasama ko sa trabaho. Eh habang tumatagal, lalo kong nakikita ang paggaling ni Julia like nung mapanood ko siya sa ‘Halik sa Hanging’. Grabe!”

Bakit ba hindi pa sila? Push!

“Pareho kami na meron pang mga bagay na gusto namin [na] mag-focus. Although sa trabaho, sabi ko nga, kelangan ko ma-in love sa leading lady ko. Mahirap kasi i-peke ang acting. Kailangan maramdaman. So, ‘pag tapos na back to normal na.”

Sa March 22 na magsisimula ang ‘Wansapanataym’ na pinamagatang ‘Yamishita’s Treasures’ kung saan tampok din si Alonzo Muhlach with Eddie Garcia, Bing Loyzaga, Arron Villaflor, Marlan Flores, Ryan Bang sa direksyon ni Avel Sunpongco.

3Coco loved the idea.

“Magandang treat pa rin kasi sa mga kabataan. Parang ‘Indiana Jones’. Kaya nung sinabi sa akin na ‘yun ang istorya, gusto ko talaga na magsama rin uli kami ni Julia rito.”

Gusto ni Megastar Sharon Cuneta na makasama siya sa trabaho.

“Hinihintay ko lang po!”

 

 

 

Follow me…

social networkingPilar Mateo
@pepes_pilar
/pepes_pilar

Leave a comment