Why Vice Ganda will never introduce his special someone to Coco Martin again?

Rommel_Placente
by Rommel Placente

maxresdefault

Isa sa official entries sa darating na Metro Manila Film Festival 2015 na magsisimula sa December 25 ang pelikulang “Beauty And The Bestie,” na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Coco Martin. Mula ito sa joint venture ng Star Cinema at Viva Films at mula naman sa direksyon ni Wenn Deramas.

Sa pelikula ay best friends ang role nina Vice at Coco. Naka-relate sila sa kanilang role dahil sa totoong buhay ay mag-best friend din sila. Sobrang close sina Coco at Vice kaya naman kahit personal na buhay ng huli ay pinakikialaman ng una kasama na rito ang lovelife ni Vice.

Sabi nga ni Vice, hangga’t maaari ay ayaw na raw niyang ipakilala kay Coco ang nagiging boyfriend niya dahil pinapahiya raw ito ng mahusay na aktor.

“Minsan nagpunta ako sa shooting ng indie film niya (Coco), ‘yung “Condo.” Pumunta rin dun yung dyowa ko , naka-motor. Pinakilala ko sa kanya. Sabi niya dun sa lalaki, ”Ang ganda ng motor mo, huh! Magkano hulog niya rito?,” natatawang kwento ni Vice.

BehindTheScenes-First-Day-of-Beauty-and-the-Bestie-with-Vice-Coco-460x280Patuloy niya, “Yung lalaki, napahiya. Naisip ko na baka mag-umbagan ‘tong dalawa. Tapos sabi ni Coco sa akin, ‘Best, ang laki mo nang magbigay. Dati P250.00 ka lang magbigay, ngayon may pamotor-motor ka na sa lalaki.’

“Kaya kapag may dyowa ako, ayoko nang ipakilala sa kanya kasi hinihiya niya, inookray niya talaga ng harapan. Kaya yung lalaki ayaw nang magpapakita sa akin,” aniya pa.

Kasama rin nila sa nasabing pelikula ang loveteam nina James Reid at Nadine Lustre. Katulad ng iba, inamin ni Vice na kahit siya ay kinikilig sa tambalang JaDine.

4622870337

“Nakakabilib, kasi alam mong hindi sila, pero bakit kinikilig ako? Dumating pa ako sa punto na habang magka-eksena kami, pini-picture-an ko silang dalawa nang palihim.
Kinikilig akong talaga ‘tapos may line akong sasabihin, nakalimutan ko kasi pinapanood ko silang naghahalikan,” kuwento pa ni Vice.

“Ang sarap nilang panoorin, nakakakilig; ang guwapo ni James Reid, ang ganda ni Nadine. Ang ganda nilang tingnan na mag-nose to nose at lips to lips na alam kong wala namang anumang relasyon silang dalawa. Sobrang amazing lang nung screen chemistry na mayroon sila,” paliwanag ni Vice.

Leave a comment