Robin Padilla signs an exclusive contract with ABS-CBN

by PSR News Bureau

10-Robin-Padilla-signs-a-two-year-contract-with-the-Kapamilya-networkMatapos ang ilang taon ay muling nagbabalik Kapamilya si Robin Padilla ayon na rin mismo sa misis ng action star na si Mariel Rodriguez. Nag-post sa social media si Mariel, December 9 para ianunsiyo ang muling pagbabalik ng kanyang mister sa ABS-CBN. Anito: “I’m happy for you! Finally going back to the network you belong to,” saad ni Mariel sa kanyang IG post ngayong araw, December 9, 2015.

“Can’t wait for the projects they have in store for you. The Action King is home!!! God is good!! Supporting you all the way!”

Ngayong araw na ito nakatakdang muling pumirma ng exclusive two year contract si Robin Padilla sa ABS-CBN.
Nangako pa si Mariel sa kanyang post: “I will make sure we have a happy house to come home to so that you will be more inspired to go to work. Extremely excited to announce that everyone’s idol, Robin Padilla, is signing his exclusive contract with the Philippines’ largest network, ABS-CBN, today.”

Sa sobrang kagalakan nga ni Mariel, gumamit pa ito ng hashtag na #robinpadillakapamilya na nag-trend din sa Twitter kaninang umaga.

Leave a comment