Rocco Nacino still mum on his breakup with Lovi Poe

by PSR News Bureau

roccoHanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni Rocco Nacino ukol sa napapabalitang hiwalayan nila ni Lovi Poe. Mariing pinabulaanan din nito na mayroon silang joint account ni Lovi. Matatandaang pinagbintangan na nilustay umano niya ang pera sa nasabing joint account. “Wala pong joint account to speak of.”

Sinabi rin ni Rocco na walang naging third party sa on-the-rocks nilang relasyon ng aktres. “It’s not true, lahat ay mere speculations,” paglalahad ni Rocco nang makapanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).

Inamin rin ni Rocco na nababagabag ang kanyang kalooban sa mga naglalabasang balita tungkol sa kanila ni Lovi. “Oo nga e, Medyo naging disturbing. Nag-usap na nga kami ng managers ko, kasi sobra naman na.”

“Walang third party, wala akong kinukuhang pera, so malinis ang konsensiya ko. Iwould never do that. I have an utmost respect for Lovi.”

Sa palagay niya, saan kaya nanggagaling ang mga isyung ganun?

“Honestly, hindi ko alam. Basta kumalat na lang nang kumalat. It was blown out into proportion.”
roccoDisappointed man si Rocco sa mga pangyayari, naniniwala pa rin siya na lalabas at lalabas pa rin naman ang totoo. “I just needed to clear my name. Kasi it’s no longer fair for me. I also have a reputation to protect.”

In the end, sinabi rin nito na hindi man malinaw kung ano ang kasalukuyang estado ng kanilang relasyon ni Lovi, mananatili siyang gentleman at tikom ang kanyang bibig ukol sa isyu dahil malaki ang respeto niya sa aktres.

Leave a comment