12 years of making Pinoys beautéful

Katulad nina Marian Rivera at Bea Alonzo, puro papuri rin ang veteran broadcaster na si Korina Sanchez sa Beautéderm CEO and President Rhea Tan.

Pahayag ng lady boss sa Instagram, “To hear my idol say such inspiring things about me fuels my soul to dream bigger and it energizes my heart to work even harder.”

Sa aming short na palitan ng messages sa FB, naikuwento ni Ms. Rhea na bata pa lang ay naranasan na niyang maging tindera.

Saad ni Ms. Rhea, “Doon ako natutong maging tindera. May puwesto kami sa palengke. Abel Iloco, tapos kapag weekend nandoon ako nagtitinda, tapos ay give ako ng suweldo ni Auntie Crista ko.”

Dagdag pa niya, “Sabi po niya suwerte raw po ako, kasi dumog ang customers kapag ako ang bantay, hahaha! At bolera raw ako, kaya nakakabenta ako, hahaha!”

Nabanggit pa ni Ms. Rhea na six years old pa lang ay tambay na raw siya sa palengke at sa murang gulang ay dito niya nakuha ang abilidad sa pagbebenta o pagtitinda.

May message ba siya sa 12th anniversary ng Beautederm?

“Sobrang grateful po ako at nandito pa po tayo, kahit na pandemic. At libo ang tumatangkilik po sa atin, buong ‘Pinas, buong mundo… ang dami na po nating customers.

“Marami pa po akong sorpresa hanggang matapos ang taon. Dream ko po na maging household name ang Beautéderm,” masayang saad pa ng lady boss ng Beautéderm.

Kaabang-abang din ang weekly Beautéderm Live na mapapanood sa FB.

For more details, visit Beautéderm on Facebook, Instagram, at Twitter.

Leave a comment