February 27, 2024
Gloria Diaz stars in new Lamangan movie ‘Lola Magdalena’
Latest Articles

Gloria Diaz stars in new Lamangan movie ‘Lola Magdalena’

Oct 5, 2023

Ibang klaseng Gloria Diaz ang mapapanood sa pelikulang Lola Magdalena.

Tampok dito ang former Miss Universe bilang Lola Magdalena na isang 70-anyos na si Dalena ‘Lola’ Magdalena. Kung sa araw ay albularyo siya at manghuhula sa harap ng simbahan. Kung gabi naman, siya ay isang prosti.

Gaganap bilang kapwa niya ageing prosti sina Perla Bautista, Liza Lorena, Pia Moran, at si Sunshine Cruz bilang pinakabata sa kanila sa gulang na 45.

Written by Dennis Evangelista at sa pamamahala ni Direk Joel Lamangan, ito’y mula sa Hiro Hito Film Productions na ang executive producer ay si Ms. Amy Zuniga.

Naimbitahan kami sa press preview nito recently at ilan sa kaabang-abang na eksena rito ang sementeryo scene at porno shooting ni Gloria.

Ayon kay Ms. Gloria, nagustuhan niya ang pelikula at na-amaze siya na mabilis ang paggawa nito.

“Well, I liked the story and I laughed although I knew what it was. My reaction, my number one reaction, hindi na ako kakain ng rice,” nakatawang pahayag ng veteran actress.

Dagdag pa ni Ms. Gloria, “Pero it was very fast, the cutting, ha. I can’t believe it’s a whole film. Ang bilis natin, ano, Direk?

“Grabe. It was very funny. I was also asking Direk, kung ano ba ito? Kung drama ba ito o comedy. I think it’s more comedy, ano? Yeah.”

Nabanggit din ng aktres ang paborito niyang eksena sa kanilang pelikula.

Sambit ng aktres, “Marami, hindi lang isa, I liked the one sa sementeryo. Dapat ginalingan ko pa!

“Tapos gustong-gusto ko iyong mga nakikipag-deal about magpo-pornong film. I liked that because it’s funny… sad. Basta it’s funny. Then I liked very much all the scenes with Pia, that she was doing with the guys.

“Parang supposed to be, bastos pero it’s nakakatawa na nakakaawa. And I think that’s the whole idea, hindi ba?”

Pagpapatuloy pa niya, “Liza, of course, was very good. I liked also at maganda rin ‘yung death scene sa karnabal. Parang big production, may karnabal pa kami at our disposal, hindi ba? Maganda, ang ganda!”

Parte rin sa cast sina Angel Guardian, Carlo San Juan, Jim Pebanco, Marcus Madrigal, Harlene Bautista, Dorothy Gilmore, at Joonee Gamboa. 

Ang pelikula ay isa sa na-submit na entry sa darating na December MMFF 2023.

Nakakuha ng MTRCB rating na PG (Parental Guidance) ang Lola Magdalena, kaya nagpahayag ng kagalakan dito si Direk Joel.

“Hindi (ko ine-expect iyon), ang iniisip ko, at least R-13. Pero nang ibinigay ang PG, hindi na ako nag-complain, I embraced it wholeheartedly. Ang ibig sabihin niyon, they enjoyed the film,” pahayag ng premyadong direktor.

Leave a comment