February 27, 2024
Eve Levine reveals how she takes care of her body
Latest Articles

Eve Levine reveals how she takes care of her body

Aug 10, 2023

Eve Levine is back sa bagong movie with Enrique Gil titled I Am Not Big Bird. Although ayaw daw muna niyang i-reveal ang kanyang role sa nabanggit na pelikula.

Bukod sa kanyang showbiz career, abala rin si Eve sa business niya. Pero tila yata mas nag-focus muna siya sa kanyang negosyo.

Esplika ni Eve, “Ang plan ko po in the future ay magtayo ng spa at beauty business. Iyong spa na gusto ko, iyong ipo-promote kung paano pabagalin ang aging ng tao.”

“Nag-try lang ako, hindi ko talaga alam ang pinasok ko. Try lang talaga if makakapasok ako, kasi gusto ko malaman gaano kalaki ipinagbago ko and nagulat ako nakapasok ako agad,” sambit pa niya sa pelikula with Enrique.

Maraming pagbabagong career move si Eve, parang rebranding daw ang ginawa niya.

Lahad niya, “Gusto kong alisin na iyong dati, kasi bagong looks na ako so parang business, nag-rebrand tayo for better quality.”

Nagbago na rin ba siya ng image at stop na siya sa pagpapa-sexy? Mas magiging mapili na ba siya sa mga gagawing projects?

“I can accept sexy roles, pero depende na sa story ng movie. Now po kasi ay may nagga-guide na sa akin para maging quality artist. From face, body, acting, pananamit, kilos, at kung ano lang ‘yung dapat ipost,” sabi pa ng aktres.

Dagdag pa ni Eve, “May vlog na kasi ako, so mas okay na pili na lang ang movies na tatanggapin ko, para organize ang time.”

Nalaman din namin kay Eve na ibang klaseng determinasyon at disiplina ang ginagawa niya para ma-maintain ang kanyang sexy body.

“Nag-pilates po ako, 3-4 times a week… tapos cardio na 10k to 25k steps, then below 1000 calories sa food, plus detox drinks.

“May food kasi na mababa ang calories gaya ng repolyo, tapos nakakabusog siya. Bale sa 100 grams, 35 calories lang siya and mabubusog ka na.”

Isa pang aabangan kay Eve ay ang action-drama movie na Karma, na pang-Netflix. Napasabak kasi siya rito sa matinding acting-an.

Bida rito sina Sid Lucero at Krista Miller, at ito’y mula sa pamamahala ni Direk Mariano Langitan, Jr.

Leave a comment